7 Plantasyon ng Marijuana, Nadiskubre sa Benguet; Mahigit P10.6M na Halaga ng Marijuana, Sinunog
Umabot sa mahigit P10.6M na halaga ng marijuana ang nadiskubre at sinunog sa matagumpay na operasyon ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) laban sa iligal na pagtatanim ng marijuana sa lalawigan ng Benguet noong ika-17 ng Marso, 2026.
Ayon sa ulat mula sa Regional Operations Division ng PRO CAR, natuklasan ng mga operatiba ang pitong magkakahiwalay na plantasyon na natamnan ng 28,400 fully grown marijuana plants at nadiskubre rin ang 41,690 grams ng dried marijuana stalks with leaves and fruiting tops na may kabuuang Standard Drug Price na PhP10,682,800.00 sa Brgy. Kayapa, Bakun; Brgy. Pudong, Kapangan; at Brgy. Tacadang at Brgy. Badeo, Kibungan.
Ang mga operasyon ay naging matagumpay dahil sa pagtutulungan ng mga operatiba mula sa Bakun Municipal Police Station (MPS); Kapangan MPS; Kibungan MPS; Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, Provincial Special Operations Group, at Provincial Community Affairs and Development Unit ng Benguet Police Provincial Office; 1st at 2nd Benguet Provincial Mobile Force Companies; Regional Mobile Force Battalion 15; Special Operations Unit-CAR; Regional Intelligence Unit 14; at Philippine Drug Enforcement Agency-CAR.
Lahat ng nadiskubreng tanim na marijuana ay agad na sinunog ng mga operatiba. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng taniman ng marijuana sa mga karatig-lugar, gayundin ang mga indibidwal na nasa likod ng iligal na pagtatanim nito. (RPIO PRO CAR /File Photos)
