115 laptops distributed to teachers in Ambiong National High School
Photos by: CTTO Benguet Congressional District Office
Ambiong, La Trinidad Benguet – Muli na naman pinatunayan ni Benguet Caretaker Congressman Eric Yap ang pagmamahal nito sa mga kabataan dahil kahit sa kabila ng pandemiya ay ginagawa pa rin niya ang mga paraan para matuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa pamamagitan ng mga online classes.
Personal na ipinamahagi ni Cong Yap ang 115 laptops sa mga teacher ng Ambiong National High School, La Trinidad, Benguet noong February 12, 2022 na kung saan ang kahilingan ay naipadaan sa DepEd upang magamit ng mga nagtuturo ang mga gadgets para sa online classes ng mga mag-aaral.
Naiparating rin kay Congressman ang kailangan na karagdagang school building para sa high school, dahil simula ng ma establish ang Senior High school ay ang mga high school teachers at mga estudyante ay iniaakyat pa nila ang kanilang klase sa Elementary School Building.
Ayon kay Cong Yap, “Pagsisikapan natin na mapondohan ito na galing sa private fund kung walang available na budget ang National Government para makapagpatayo tayo ng bagong school building sa lalong madaling panahon,” ani Yap. Mario D. Oclaman / FNS