๐๐ฎ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ข๐๐ซ๐ข๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐. ๐๐๐๐ข๐ง๐จ, ๐๐ข๐ง๐ข๐ซ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐จ๐ง 2026
Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle A. Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: โAsรญn sa Hasang ng Lupร .โ Makatatanggap siya ng PHP30,000.00 (net), tropeo, at medalya.
Nagwagi naman si Joseph E. Cemena ng Ikalawang Gantimpala para sa kaniyang tulang โLubid ng mga Tinig.โ Makatatanggap siya ng PHP20,000.00 (net) at plake.
Nanalo rin si Romeo P. Peรฑa sa kaniyang tulang โMina Extraerโ ng Ikatlong Gantimpala. Makatatanggap siya ng PHP15,000.00 (net) at plake.
Itinanghal bilang mga Karangalang Banggit sina Emersan D. Baldemor sa kaniyang tulang โPanagdait Field Theoryโ at Mark Anthony S. Angeles sa kaniyang tulang โMga รrtepรกkto ng Naritรณ at Ngayรณn.โ
Si Eugene Geibrielle A. Nacino ay kasalukuyang nag-aaral sa Saint Louis University na may kursong Bachelor of Science in Medical Laboratory Science. Nagsilbi siyang punong patnugot ng โAng Banaag,โ na opisyal na lathalain ng Bangui National High School. Nakapaglathala ng tatlong (3) akdang pampanitikan sa Bannawag Magazine at nagwagi sa ibaโt ibang timpalak sa pagsulat ng tula gaya ng mga Tala at Tula at Maestra Mercedes Pundador Awards.
Ang Talaang Ginto: Makata ng Taรณn ay isang patimpalak sa pagsulat ng tulรข na itinaguyod ng KWF na naglalayong pasiglahรญn at pataasรญn ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilรกla sa mga batikan at baguhang talino at tinig sa sining ng tulรข.
Ang KWF Araw ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 29 Abril 2026. #
