๐๐จ๐ค๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ฐ๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐ง๐๐ , ๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐๐

Sinimulan ng mga mananaliksik mulang Mariano Marcos State University (MMSU) ang proyektong dokumentasyon ng wikang Isneg noong 2โ5 Hunyo 2025.
Isinagawa ang paglikom ng datos sa pamamagitan ng interbiyu, pagmamasid, at pakikisangkot sa gawain ng komunidad sa Brgy. Nabuangan at Brgy. Cupis, Conner, Apayao. Si Asst. Prof. Leonardo Tejano ang project leader ng pangkat kasama sina Instr. Jean Claire Bartolome, Instr. Mylene Benito, at Asst. Prof. Jay-ar Cristobal. Nagsagawa naman ng monitoring sa proyekto ang mga mananaliksik mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na sina Kirt John Segui at Dannielle Laggui.
Nakipagpulong din ang mga kinatawan ng KWF sa mga kawani ng NCIP Conner Community Service Center at sa mga lider at elder mula sa Barren at Nabuangan ancestral domain sa Conner, Apayao upang episyenteng maisakatuparan ang proyekto.
Kabilang ang MMSU sa tatlong institusyong pinagkalooban ng grant ng KWF. Ang Dokumentasyon ng mga Wika sa Pilipinas ay isang patuluyang programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika sa pamumuno ni Gng. Lourdes Z, Hinampas, Punรณ ng Sangay at Dr. Arthur P. Casanova, Tagapangulo ng KWF.
Layunin ng proyektong ito na suportahan ang mga institusyon sa pagsusulong ng pananaliksik at dokumentasyon ng mga katutubong wika ng bansa. ###