๐๐ค๐ฅ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ข๐ก๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ, ๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ข ๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฌ๐๐๐
Inilunsad ng KWF ang aklat na Ubbรณg Ti Asin: Kuwento at Kuwenta ng mga Babaeng Manunurat ng Nueva Vizcaya sa Gawad Julian Cruz Balmaseda na ginanap sa awditoryum ng PIA noong 28 Enero 2026.
Ang aklat na isinulat ni Dr. Lovella Gamponia-Velasco ay tungkol sa danas ng mga babaeng manunulat sa Nueva Vizcaya na madalas naisasantabi o hindi nabibigyang-pagkilala ang malikhaing talino sa larangan ng panitikan.
Ayon sa awtor, ang ubbรณg ti asin ay Ilokanong termino na literal na nangangahulugang โsalt springโ sa Ingles at ipinahahayag bilang metapora ng kababaihang manunulat na hindi kilala.
Ang konteksto, mayroong ubbรณg ti asin na dating dinarayo sa Nueva Vizcaya na tumigil sa pagluwal ng tubig at asin noong dekada 90 dahil sa isang lindol. Pagkatapos ng maraming taon, nagkaroon ng bagong ubbรณg ti asin na patuloy pang lumalaki at pinangangalagaan sa lalawigan.
Inuugnay ito ni Gamponia-Velasco sa kaniyang akda sa pagbawi, pagkilala, at pagbibigay-boses sa mga babaeng manunulat mula sa Nueva Vizcaya.
Mula ang aklat na ito sa nagwaging disertasyon sa Gawad Julian Cruz Balmaseda noong 2017. Ang Gawad Balmaseda ay pagkilala sa pinakamahusay na tesis at disertasyon na nakasulat sa Filipino bilang ambag sa intelektuwalisasyon ng wikang pambansa.
Si Gamponia-Velasco ay kasalukuyang nanunungkulan bilang Professor 6 sa Research and Development Office at Campus Coordinator ng Nueva Vizcaya State University. #
