YAP, inilapit sa Palasyo at senado ang hindi pagkakasundo ng pamunuan sa BENECO

YAP, inilapit sa Palasyo at senado ang hindi pagkakasundo ng pamunuan sa BENECO

Benguet caretaker Congressman Eric Yap (middle) with Secretary Salvador Medialdea (r) and Vice Presidential aspirant and incumbent Senator Christopher Lawrence “Bong” Go during the discussion about the BENECO appropriate solutions.  Photo by:  Benguet Congressional District Office

Nagbiyaheng papuntang Malacañang si Benguet caretaker Congressman Eric Yap noong Miyerkules ng gabi (October 27, 2021)  upang personal na makipagpulong kina Executive Secretary Salvador Medialdea at Vice Presidential aspirant at senator Christopher Lawrence “Bong” Go para talakayin ang mga angkop na solusyon upang wakasan ang namumuong gulo sa loob ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) na isa sa mga nangungunang electric cooperative sa bansa.

Inilahad ni CongressmanYap sa mga opisyal ng Palasyo ang ilang posibleng mga opsyon na gagawin para tuluyan ng wakasan ang nagpapatuloy na hindi pagkakasundo sa pamumuno at para mapanatili ng kooperatiba ang katayuan nito sa industriya ng kuryente sa bansa.

Sisimulan ng mambabatas ang isang pagpupulong sa dalawang partido na patuloy na nagtatalo sa posisyon ng BENECO bilang general manager.

Sa susunod ng Linggo ay nakatakda na sila iharap upang madinig ang mga iminungkahing opsyon kung paano lutasin ang krisis na maisa alang-ala sa interes ng mga miyembro-consumer-owners (MCO’S).

Ayon kay Yap, “ang posisyon ko sa usapin ay ang industriya ng kuryente na isang mataas na teknikal na uri ng negosyo na nangangailangan ng kakayahan mamamahala, may integridad, karanasan at teknikal na kaalaman upang ang BENECO ay patuloy ang operasyon sa maayos na pamamalakad at mapanatili ang katayuan nito bilang benchmark sa operasyon ng mga electric cooperatives,”

“Noong nakaraang taon ay ibinigay ko ang suporta k okay incumbent BENECO General Manager Engr. Melchor S. Licoben at hanggang sa kasalukuyan ay hindi nagbago ang aking suporta,” ani Yap

Umapela si Congressman Yap sa mga MCO’s na bigyan ng pagkakataon ang patuloy na pagsisikap na pagsama-samahin ang mga nag-aaway na partido para sila ay magtrabaho sa mga katanggap-tanggap na opsyon na magwawakas sa kontrobersya na nagsapnaganib sa mga operasyon ng BENECO sa nakalipas na ilang buwan.   ###

PRESS RELEASE