Yap: “Water Works system sa buong Benguet” aprobado na.
La Trinidad, Benguet – Bago matapos ang bidding sa proyekto ay posibleng masimulan na ang Water Works system sa buong Benguet.
Isang daang milyon piso ang nakalaan na pondo para sa Water Works system sa buong Benguet. P50 milyon sa District 1 at P50 milyon naman sa District 2.
Ayon kay Benguet Congressman Eric Yap ayaw niya ng mga mumurahin at madaling masira na equipment ang ilalagay dito.
Dapat ay kalidad at tatagal upang hindi na muling maghirap mag-igib ang mga tao para lamang makaligo, maka-hugas ng pinggan at makapaglaba, at tuloy-tuloy ang daloy ng tubig upang hindi na muli mamrublema sa tubig, kailangan lang ay nasa maayos na pagmimintina ito ng komunidad, upang manatiling malinis ito.
Hanggat maaari ay iwasan ang maling pag-iimbak ng tubig para maiwasan ang pagdami ng nagkakasakit ng Dengue.
Sa katunayan noong mga nakaraang taon ay consistent na nasa no. 2 ang probinsya ng Benguet sa buong Cordillera sa naitalang dami ng kaso ng Dengue at ang iba ay kaso ng Polio at Diarrhea.
Dito ang pagkakaroon ng Potable Water Pipes ay mas madali na ang pagdating ng tubig sa bawat bahay. Mabilis na lamang din ang mga gawain at nakakasiguro pang ligtas sa anumang uri ng sakit.
Ang DPWH at ang barangay officials naman ang magiging monitoring committee sa proyektong ito. Mario Oclaman