Yap, buo ang loob nag file ng COC sa pagka-Congressman ng Benguet

Yap, buo ang loob nag file ng COC sa pagka-Congressman ng Benguet

BAGUIO CITY – Mag-isang nag file ng Certificate of Candidacy si Benguet Caretaker Congressman Eric Yap sa Regional Commission on Election, Baguio City noong October 5, 2021.

Sinabi ni Yap, “Gusto ko ipagpatuloy ang ginagawa mga ginagawa natin at nakita rin ang tandem namin ni governor Diclas lalo na ngayon may pandemic, marami tayong tinutulungan at hindi tayo basta-basta na lang iwan natin ang probinsiya sa gitna ng pandemic,”

“Yun nagsasabi na hindi  ako taga-Benguet, ay dini-dispute ko, unang-una residente ako dito, adopted son rin ako dito kaya maituturing taga Benguet na po ako, may mga nagsasabi na hindi ako pinanganak sa Benguet? Tama po, gaya ng ibang mga naging politiko rin dito na hindi dito pinanganak ngunit dito sila lumaki, kaya tayo naman ganito rin ang sitwasyon natin, nagkataon lang na hindi tayo dito pinanganak, pero para sa akin naman yun kultura ng pagiging isang taga Benguet ay taglay natin, pagmamalasakit at ang pagmamahal sa probinsiya ay nasa akin, dahil ito ang pinaka importante, di tulad ng iba na pinanganak nga dito pero wala naman pagmamahal sa probinsiya,”

“Naghihintay ako ng taong may kusang lalabas at tutulong sa tao ngayon may pandemic at sabi ko nga kung sila ay tutulong sa tao gagawa sila na makatulong para sa probinsiya, susuportahan ko sila, kaya lang wala ako nakikita, abala sila sa paninira sa mga politiko, kaya napilitan akong mag file para ituloy natin yun ginagawa natin tulong sa ating probinsiya at yun pagbabago sa mga maling kagawian dito, tulad ng mga paninira sa mga politiko, wala po mangyayari sa probinsiya natin, hangad natin ang pag-unlad at pag asenso sa Benguet , kaya higit na kailngan natin ang pagtutulungan alang-alang sa ating mga kailyans sa Benguet,”

“Ngayon lang kasi nagkaroon ng representation kung saan maraming naibibigay na project ang national government, hindi lang sa infrastructure, kundi pati sa mga hospitalization, sa DOLE, DSWD ngayon lang tayo nakakakuha ng halos isang bilyon kada taon from national government, ito ang itutuloy natin na mga programa kung saan yun ating mahal na probinsiya Benguet ay talagang makakakuha na patas at mas malaking representasyon sa national government,”

“Buo pa rin ang suporta ko kay Sara Duterte-Carpio sa pagka-presidente,” pagtatapos ni Yap.   Mario D. Oclaman /FNS

Mario Oclaman