United Benguet Party, Thanksgiving set on May 19
La Trinidad, Benguet – Tunay na hindi binigo si incumbent Benguet Congressman elect Eric Yap ng mga taga-suporta at ng mga kailyan nito sa Benguet, ipinakita nila ang buong suporta at pagmamahal matapos maiproklama noong matapos ang resulta ng bilangan. Si Yap ay nakakuha ng landslide na tagumpay na nakakuha ng 123,801 na boto laban sa kanyang mga katunggali na sina Itogon Mayor Victor Palangdan na nakakuha ng 71,200, Sammy Paran na nakakuha ng 4,457 at Keith Thorsson 2,162.
Halos paulit-ulit na maririnig sa mga pahayag ng mga residente sa Benguet ay “Nakita namin kay Yap ang kanyang dedikasyon na tumulong na mapanatiling ligtas ang kabuhayan at mas mapaunlad pa ang probinsiya. Nakita rin natin ang mga concern niya sa unang pagkakataon na pumunta siya sa mga malalayong lugar para magsagawa ng mga proyekto, kaya siguro nabigyan siya ng pagkakataon na ipagpatuloy ang mga magagandang programa niya sa ating probinsiya,”
“Hindi mahalaga kung saan ka nanggaling, ang mahalaga ay may pagmamahal at malasakit ka sa iyong lugar at kapwa mo,” dagdag pa nila.
Nagpahayag rin si Cong. Yap ng kanyang pasasalamat.
“Isang taos pusong pasasalamat sa ating mga kailyan sa tiwala, suporta, at pagmamahal po na ipinakita ninyo! Higit at una sa lahat, sa Panginoong Diyos natin na nagbigay ng gabay sa atin. Simula pa lang po ito ng mas marami pang trabaho natin. Nadinig po natin ang boses ng karamihan, gusto natin ng tuloy-tuloy na progreso at mas malawak na pagbibigay ng tulong at yan po ang gagawin natin.
Sa mga susunod na buwan, mas magiging aktibo tayo sa pakikinig sa mga pangangailangan ng ating mga kailyan. Magtulungan po tayong bigyan ng solusyon ang mga problema, at ano man po ang naging resulta ng eleksyon sa inyong lugar, walang maiiwan, lahat tutulungan. And I formally extend my hand sa mga kapwa natin naging kandidato upang magkaisa at magtulungan para sa Benguet.
A new day is upon us. Big things are coming at hangad natin na higitan pa ang naumpisahan pa netong nakalipas na dalawang taon. Abangan natin ang mga bagong programang parating pa na sagot natin sa mga problemang nadinig natin noong panahon ng kampanya.
Sa susunod na tatlong taon, babaunin nating inspirasyon ang mga kwento ng hirap at problema na dinaranas ng madami sa probinsya. Let us challenge the status quo at alisin na ang mentality na “pwede na yan”. We deserve better. Mahalin natin ang mga kailyan natin, at mas mahalin pa natin ang Benguet,” ani Yap
Dahil dito ay magsasagawa ng isang pasasalamat ang United Benguet Party sa ika-19 ng Mayo, 2022 ganap na alas-diyes ng umaga na gaganapin sa Wangal, Sports Complex, La Trinidad, Benguet. Mario D. Oclaman / FNS