Unang Publikong Forum ng Panukalang-Batas sa Propesyonalisasyon ng mga Tagasalin sa Pilipinas

Unang Publikong Forum ng Panukalang-Batas sa Propesyonalisasyon ng mga Tagasalin sa Pilipinas

Isinagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pangunguna ng Sangay ng Salin, katuwang ang UP Sentro ng Wikang Filipino (SWF), UP-Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL), UP-Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP), at sa patuloy na pagtataguyod ng Kasálin Network, ang unang publikong forum para sa panukalang-batas sa propesyonalisasyon ng mga tagasalin sa bansa. Isinagawa ito noong 27 Mayo 2025 sa Gimenez Gallery ng UP Diliman, Lungsod Quezon.

Dumalo sa isinagawang forum ang iba’t ibang stakeholder sa larang at serbisyong pagsasalin upang magbigay ng mga komentaryo, mungkahi, at pagpapabuti para sa higit pang pagpapahusay ng panukalang-batas hanggang sa pagsusulong nito. Nakatakda ring magsagawa ng iba pang forum sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa mga susunod pang panahon.

Binubuo ang Kasálin Network ng mga institusyon at indibidwal na hangaring maorganisa ang mga tagasalin para sa pagkilala at propesyonalisasyon ng pagsasalin at gawaing pagsasalin sa buong bansa.

Abangan ang mga panawagan para sa mga kasunod pang forum.

PRESS RELEASE