“Session Road in Bloom,” Hindi maiiwasang bumisita dahil sa kaakit-akit nitong atraksyon

Lungsod ng Baguio – Pormal na binuksan ang Session Road in Bloom na isa sa pangunahing atraksyon at inaasam ng mga bisita ngayon kapistahan ng Panagbenga 2025 na ginanap noong Ika-24, 2025.
Pinangunahan ni Mayor Benjamin Magalong at nagbigay kanyang mensahe, “Ngayon ika-29 na taon nito, ang Panagbenga Festival ay patuloy na umuunlad, at nagpapatunay na ito ay hindi lamang tungkol sa umuusbong mga bulaklak. Ito ay tungkol sa Baguio, ang mga tao nito, at ang walang hanggang kakayahang bumangon, umunlad, at magdiwang,”
Kasama rin si Congressman Mark Go, (BFFFI) Chairman for life Atty. Mauricio Domogan, Former Congressman Bernardo Vergara, ex-officio Vice Chairman, BFFFI, DOT-CAR Regional Director Jovy Ganongan, Baguio Tourism Council Chairperson Gladys Vergara, at ang ilang konsehal na dumalo na sina Betty Lourdes Tabanda, Isabelo “Poppo” Cosalan, Benny Bomogao, Leandro Yangot, Lily Fariñas at Mylen Yaranon, Kasama rin si City Tourism Officer Engr. Aloysius Mapalo, BFFFI Board & General Manager ng Hotel Supreme Jeff Ng at si BCPO City Director PCOL Ruel D. Tagel na ang bawat isa sa kanila ay puno ng pag-asa para suportahan ang ika-29 na taon ng Baguio Flower Festival 2025 na may temang “Blossom Beyond Boundaries”
Sa kahabaan ng Session Road ay sinakop ng 456 stalls na mga lokal na negosyante upang magtinda ng kani-kanilang produkto, iba’t ibang masasarap na pagkain, souvenirs, paintings, garments mula sa iba’t ibang lugar na mayamang kultura, may mga pagtatanghal rin na mga live concert at entertainment, hangarin na maisulong ang turismo at mapabuti ang pangkabuhayan ng negosyante.
Sa isang panayam kay BTC Chair Gladys Vergara, “Ang kahalagahan ng Session Road in Bloom na kinasasabikan ng mga bisita gayundin sa ating mga lokal na negosyanteat artisan na nagpapatibay sa reputasyon ng Baguio bilang isang UNESCO Creative City,” Binigyan-diin din niya kung paano pinalalakas ng kaganapan ang mga koneksyon sa pagitan ng mga residente at mga bisita, na ginagawa itong isang mahalagang bahagi ng landscape ng turismo sa lunsod ng Baguio.
Ang Session Road in Bloom ay isa sa mga pangunahing atraksyon ng taunang pagtatanghal ng Panagbenga o Baguio Flower Festival kung saan ang pangunahing lansangan ng lungsod ay gagawing promenade area na may mga sidewalk cafe para sa mga residente at turista upang tamasahin ang isang Linggong masasayang araw.
Inaanyayahan ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc. at ng City Government of Baguio na saksihan, tikman ang iba’t-ibang pagkain at produkto habang naglilibang makinig at manood ng live concert sa gitna ng lamig ng klima dito lamang sa Lungsod ng Baguio.
Ang isang Linggong pagtatanghal nito sa Session Road ay magtatapos sa Marso 2, 2025. # Mario Oclaman //FNS