PULIS @ UR SERBIS: “PAILAW PROJECT”

PULIS @ UR SERBIS: “PAILAW PROJECT”

Liwanag ang hatid ng mga kapulisan ng Benguet Police Provincial Office (PPO) sa mga residente ng Sitio Dong-as, Brgy Cabiten, Mankayan, Benguet sa pagsasakatuparan ng kanilang “Pailaw Project” sa nasabing lugar.

Ang nasabing proyekto ay sinimulan noong ika-15 ng Nobyembre, taong kasalukuyan kung saan ang mga kapulisan ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company (PMFC) kasama ang mga personnel ng Eastern Benguet PECU, Philippine Army, at mga opisyales ng Brgy Cabiten ay nagtulong-tulong sa pagsasa-ayos at pag-install ng limang (5) poste na may solar lights.

Noong ika-17 ng Nobyembre, taong kasalukuyan, ay pormal nang itinurn-over sa mga officials ng Brgy Cabiten ang mga nasabing solar lights upang agad ng mapakinabangan ng mga residente sa lugar.

Ang “Pailaw Project” ay inilunsad ng Benguet PPO upang mahatid ng liwanag sa mga far-flung areas sa probinsya ng Benguet. Ang proyektong ito ay naisakatuparan dahil sa pondong nalikom mula sa 1st Benguet PMFC Funshoot 2022 at dahil na rin sa suportang ibinigay nina Mayor Honorio Banario, Sr. at Councilor Rey Manuit ng bayan ng Mankayan; Hon. Ronald Kimakim, CAGPTD; at iba pang mga stakeholders. (PROCOR-PIO / File Photos)

PRESS RELEASE