PROTECTION FOR SENIOR CITIZENS

PROTECTION FOR SENIOR CITIZENS

Patuloy ang pamamahagi ng ilang staff ni Benguet Congressman Eric Yap ng mga face shields at vitamins para sa mga senior citizens na kung saan ay naunang pinuntahan ang barangay ng Virac, Loacan, Ucab at Poblacion sa Itogon, Benguet. Inaasahan  na mabibigyan ang lahat ng barangay sa munisipyo ng Itogon.  

“Kailangan maseguro natin ang proteksiyon ng mga senior citizens, mapanatiling malakas ang kanilang immune system dahil  ayon sa World Health Organization na ang mga senior citizens na may mahinang katawan ay mas higit na nahaharap sa pinakamaraming banta na madaling mahawaan ng COVID-19, kaya huwag sana natin ipagwalang bahala ang laging ipinapaalala ng nasa Kagawaran ng Kalusugan at ng ating pamahalaan na sundin ang safety at health protocols,” ani Yap. Photos by:  UNITED BENGUET TEAM / CTTO Benguet Congressional DISTRICT Office

Mario Oclaman