Project CARES Season 3

Baguio City, (April 18, 2022) – Ginanap ang Project CARES (Contribute Action through Responsive and Effective Service) Season 3. Sa pangunguna ng principal ng Rizal Elementary School na si Ginoong Joseph Estigoy, kasama si Ginang Brenda Bal-iyang, Master Teacher 2 at ang nag sponsor na si Ginang Marilyn Nariza Maglaya-Aquino, may ari ng Crown Legacy Hotel sa Legarda, na namahagi ng maagang pamasko sa mga piling estudyante ng RES.

Tuwang-tuwa ang 50 na estudyanteng nahandugan ng mumunting school supplies at bag. Malaking tulong ito sa mga magulang na nakabawas rin sa kanilang mga gastusin sa school supplies ng mga bata ngayon panahon ng pandemiya.

Nais ni Ginang Marilyn na makatulong sa mga grade school student na nagsisipag sa kanilang pag-aaral at makapag-bigay ng masayang ngiti sa mga bata, para mas lalo pang ma-enganyong mag-aral ang mga estudyante anya.

Kasama rin nakipag tulungan ang mga aktibong grupo ng Taebo Group of Wright Park.   Photo by: Louie A. Oclaman // FNS