Pistang Tubungan sa Buwan ng Wika, nakikiisa muli ang bayan ng Mogpog sa Pagdiriwang

Mogpog, Marinduque – Magkakaroon ulit ng pagtatanghal ng mga awit, sayaw at musika ng tubong bilang pakikilahok sa Buwan ng Wikang Pambansa ang bayan ng Mogpog. Sang-ayon sa temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa” mula sa Komisyon sa Wikang Filipino ngayong Agosto 2025.
Nagsimula nang Huwebes ang pagtatanghal para sa Buwan ng Wika, Agusot 28 at tampok ang
“Pistang Tubungan” ngayong Biyernes, Agusto 29 sa Municipal Covered Court simula ng 5:00 ng hapon.
Kagaya ng moryonan, buhay na dunong sa lalawigan ng Marinduque ang tubong at kalutang. Ang tubongan ay ritwal ng pagpapagaling at may ugat sa paniniwalang espiritwal ng mga taga-isla. Sa bayan ng Mogpog, kaugnay ng buong Marinduque ay mayroong iba-ibang bersyon ng tubong.
Batay sa isinagawang saliksik ng mga mag-aaral ng Bachelor of Culture and Arts Education (BCAEd) ng Marinduque State University, “Ang Tubong bilang ritwal ng Koronasyon sa Munisipyo ng Mogpog” a partial documentation and cultural inventory of Tubong versions as an intangible cultural heritage of Marinduque. Ang mga tinutukoy na bersiyon ay Tubong Banahaw, Herarkiyas, Kasamahan, Tubong sa Pasyon, Habanera at Sinalampakutan. Ang mga nabanggit na tubong ay patuloy na sinasagawa sa 37 barangay ng Mogpog at anim na bayan ng Marinduque. # Randy T. Nobleza Ph. D.