PENALTY CONDONATION PARA SA MGA EMPLOYERS AT BUSINESS OWNERS

PENALTY CONDONATION PARA SA MGA EMPLOYERS AT BUSINESS OWNERS

Christian Andrew Rillorta
Senior Communications Analysts

Isang kaibigan na nagma-may ari ng isang restaurant dito sa Baguio ang aking nakasama sa isang “coffee session” noong nakaraang lingo. Marami kaming napagkwentuhan tungkol sa pagnenegosyo at isa na riyan ang kaniyang naging magandang karanasan sa pag-avail ng programang condonation para sa mga employers mula sa SSS.

Aminado siya na malaki ang naging epekto ng kasalukuyang tenyon sa Gitang Silangan sa kaniyang negosyo. Nagkaroon siya ng delinquency sa SSS bunga nito.

Nagbigay ang SSS ng relief sa mga delinquent employer sa pamamagitan ng penalty condonation at restructuring programs. Ito ay para sa mga na dumaranas ng kahirapan sa kanilang business operations na nagbunga ng net loss sa kanilang operations.

Qualified sa nasabing programa ang mga employers na may malinaw na kawalan ng kakayahang bayaran ang na-assess na delinquency bunga ng krisis sa ekonomiya, malubhang pagkalugi sa negosyo o financial reverses, resulta ng natural na kalamidad o man-made disaster na hindi nila kagagawan.

Para sa mga business employers, hinikayat sila na i-settle ang kanilang contribution delinquencies sa pamamagitan ng Contribution Penalty Condonation, Delinquency Management and Restructuring Program o CPCoDe MRP. Sakop ng programa ang lahat ng employer na ang klasipikasyon ay single proprietor, korporasyon, partnership, kooperatiba, at asosasyon na delinquent sa pagbabayad ng kontribustyon, kasama ang penalties.

Sa ilalim ng programa, babayaran ng delinquent business owner o employer ang hindi nai-remit na SSS contribution kasama ang 6% na legal interest kada taon sa panahon kung saan may maipakita ang employer na patunay na ang negosyo niya ay nagkaroon ng net loss o pagkalugi. Kapag naipakita ang patunay at tinanggap ito ng SSS, hindi na sisingli sa employer ang penalties na ipinataw sa panahong siya ay delinquent sa pagbabayad ng kontribusyon sa SSS.

Para mabayaran ang unremitted contribution at interest, bibigyan ng SSS ang employer ng dalawang opsyon. Una, kung nais nang bayaran ng buo ng employer o full payment, dapat ay bayan niya ito sa loob ng 15 araw matapos matanggap ang notice of approval mula sa SSS. Ikalawa, kung installment payment naman ang nais ng employer, kinakialngan muna niyang bayaran ang downpayment na katumbas sa hindi bababa sa 5% ng kabuuang delinquency at pagkatapos nito ay bayaran ang natitirang balanse sa loob ng 48 buwan o apat na taon.

Sa pag-avail ng aking kaibigan ng programang ito, naging magaan na para sa kaniya ang iba’t-ibang bayarin sa kaniyang negosyo. Naiwasan rin na makompromiso ang social security benefits ng kaniyang mga empleyado dahil tuloy tuloy nang nabayaran ang kanilang kontribusyon. Ayon sa kainya, malaking bagay raw ang nalibre o na-condone na penalty sa kaniya dahil nagamit pa niya ang perang yun para sa pagpapaganda at pagsasayos ng kaniyang pwesto. Kaya naman malaki ang kaniyang pasasalamat sa SSS dahil sa programang ito.

Para sa mga apektadong employers at business owners na katulad sa pinagdaanan o pinagdadaanan ng aking kaibigan at nais mag-avail o magtanong tungkol sa CPCoDE MRP ng SSS ay maaari kayong magsangguni sa Accounts Management Section ng alinmang sangay ng SSS sa inyong lugar. Bukas ang pintuan ng SSS para sa inyo at tulungan kayo na maibsan ang bigat ng pinapasan ninyo sa inyong SSS delinquencies.  

Kung may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan, magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph. Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na page ng SSS sa Facebook, X (dating Twitter), YouTube, at Viber – hanapin lang ang MYSSSPH. Bukas din ang usssaptayo@sss.gov.ph at SSS Hotline 1455 para sa inyong concerns at katanungan.

###

PRESS RELEASE