PCOL. Bulwayan Jr. assumed new chief of the Baguio City Police Office

PCOL. Bulwayan Jr. assumed new chief of the Baguio City Police Office

Turn Over Command of Ceremony.  Mayor Benjamin Magalong present the award to be accompanied by DRDA, PROCOR PBGEN John C. Chua. The Medalya ng Kasanayan is awarded to PCOL Glenn D. Lonogan.

Outgoing City Director Lonogan gives a message to be followed by a  relinquishment of office. Incoming Acting City Director PCOL Francisco B. Bulwayan Jr. in his assumption of office and message.

For the Outgoing and Incoming City Director to be presided by the Deputy Regional Director for Administration PBGEN Chua the Turnover of Command symbols, Property Book, Equipment Inventory, MOA and Plans, Programs, and Activities. Maror Magalong gave a message and lastly gave of memento to the guest of honor and presiding officer.  Photos by:  Mario Oclaman //FNS

BAGUIO CITY – (October 5, 2022) Pormal na itinalaga sa puwesto bilang bagong City Director ng Baguio City Police Office si PCOL Francisco B.Bulwayan Jr. sa ginanap na Turn-over of Command Ceremony sa BCPO Multi-Purpose Hall, (Wednesday) October 5, 2022.

Tubong Tanudan, Kalinga, at ipinagmamalaking miyembro ng Philippine National Police Academy “TANGLAW-LAHI” Class of 1999, si PCOL Bulawayan Jr. ay dating Hepe ng Regional Personnel and Records Management Division (RPRMD) ng PROCOR bago itinalaga bilang bagong Top Cop ng Baguio CPO.

Pinangunahan ni PBGEN. John C. Chua, Police Regional Office-Cordillera Deputy Regional Director for Administration, ang turnover ceremony na sinaksihan ni Mayor Benjamin Magalong bilang panauhing pandangal at tagapagsalita at ng command personnel ng Baguio City Police Office.

Pinalitan ni PCOL Bulwayan Jr. ang outgoing City Director na si PCOL Glenn D. Lonogan na itinalaga bilang bagong Chief ng PROCOR’s Regional Personnel and Records Management Division (RPRMD).

Pinasalamatan ni PBGEN CHUA si PCOL LONOGAN sa pagdadala ng Baguio CPO sa mga nagawa nitong tour of duty.

Sinabi ni PBGEN CHUA, “Naniniwala kami na ginampanan mo ang iyong mga tungkulin at responsibilidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod ng Baguio,”

Nagpasalamat rin si mayor Magalong kay Lonogan sa paglilingkod sa lungsod sa loob ng isang taon at tatlong buwan ay malaki ang naiambag nito suporta noong kasagsagan ng pandemiya ay napapanatili na maayos ang mga checkpoint para sa proteksiyon at kaligtasan ng mamamayan.

Ayon kay Magalong, “For the first time in history, the BCPO received the Gold Eagle award, the highest award given by the PNP headquarters, which signifies the institutionalization of programs, processes, and systems in the performance of the duties of the police in the Summer Capital,”

Hinimok ni Magalong si Bulwayan na ipagpatuloy ang mga programa ni Lonogan at panatilihin ang parangal o tumaas pa upang maging halimbawa ang BCPO sa kabuuan.

“Hinihiling ko rin sa buong tauhan ng Baguio’s Finest na suportahan ang pamumuno ng inyong bagong pinuno at tulungan ang bawat isa upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan na inaasahan ng mamamayan ,” dagdag ni Magalong.

Sinabi ni Bulwayan na ipagpapatuloy niya ang mga programa ni Lonogan, ang kanyang kaklase sa Philippine National Police Academy Class 1999, at paiigtingin pa nito ang programang “KASIMBAYAN” para sa kaunlaran ng lungsod.

“To the men and women of Baguio CPO, let us work together in ensuring the City as the safest place to reside, visit, work and do business….and I hereby swear that this designation whether long or short, shall be dedicated to serve and protect the people of Baguio,”pagtatapos ni Bulwayan.   Mario Oclaman // FNS

Mario Oclaman