Pamanang Quezonian, tampok ang Flag at Heraldic Code kasama ang Cultural Sensitivity, Cultural mapping at Heritage inventory

Tayabas, Quezon – Sa pagdiriwang ng National Heritage Month 2025, may temang “preserving legacies building futures: empowering Communities through Heritage” ang lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Quezon Provincial Tourism Office ay magsasagawa ng seminar-workshop sa darating na Mayo 20 hanggang 23 sa St. Jude Coop Hotel.

Sa unang araw, magsisimula ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa pagtalakay ng National Symbols sa Bisa ng Republic Act 8941 o Flag and Heraldic Code pagkatapos ng pagbubukas ni G. Nesler Louies Almagro, ang Quezon Provincial Tourism Officer at mga menthe mula pangalawang Punong Lalawigan na kinatawan ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon, si Kgg. Anacleto Alcala maging ang punong lalawigan ng Quezon, si Kgg. Dr. Angelina “Doktora Helen” Tan.
Sa susunod na tatlong araw, magpapadaloy si Dr. Randy Nobleza mula sa Marinduque State University (MarSU) at local facilitator ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) tungkol sa mga update ng RA 11961 amyenda sa National Heritage Act of 2009 at Philippine Development Plan 2024-29. Magbibigay ng mensae ang tagapangulo ng Committee on Tourism, si Bokal John Joseph Aquivido at Provincial Administrator Manuel Butardo. Pagkatapos ng input sa Cultural sensitivity, mapping, heritage inventory at pagsagot ng mga form ay magkakaroon ng application at hands-on sa Sariaya, Lucena, Pagbilao at Tayabas.
Nakadisenyo ang parehong gawain para mailagay ang pangmatagalang plano para sa built heritage, movable heritage at intangible cultural heritage para sa 2025-27, 2028-30 at lampas sa 2030. Ang buwan ng Mayo ay dineklara na buwan pambansang pamana. ### Randy T. Nobleza Ph. D