Pahayag ni Senator Risa Hontiveros sa pagsagip sa 1,000 biktima ng Human Trafficking sa Clark

Nagbunga ang mga pagdinig ng Senate Committee on Women sa kamakailang pagkakasagip sa 1,000 biktima ng human trafficking sa Clark.
Nais kong pasalamatan ang Philippine National Police at mga lokal na awtoridad sa Clark na hindi lamang aktibong lumahok sa aming mga pagdinig kundi patuloy ding nag-iimbestiga sa mga โsuper-scamming operationsโ na patuloy na lumalaganap sa bansa.
Malalim at malawak ang scamming na ito gaya ng tahasang katiwalian sa ating borders. Inaasahan namin na puspusan ang operasyon ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno upang wakasan ang scamming operations na naglalagay sa ating mga Pilipino at kapwa Asyano sa panganib. Kailangan ding nating paalisin ang mga scam network na ginagamit ang mga POGO para gawing lehitimo ang kanilang negosyo. Hindi dapat kinukunsinti ang ganitong pang-aabuso at pagbaluktot sa batas.
Mula nang ilantad namin ang pastillas scam, nagpahayag na kami na kailangan ng reporma sa BI, ngunit hindi pa namin nakikita kung mayroon mang pagbabago. Dapat dalhin ng Bureau of Immigration ang buong bigat ng patong patong na panloloko, human trafficking, at labor abuses sa iba’t ibang nasyonalidad. ### (PR)