Pagtitipon ng mga pinuno ng Araling Pampook idadaraos sa inisyatiba ng Cebuano Studies Center upang ipagdiwang ang ika-50 taong pagkakatatag
Cebu, Philippines – Ang Cebuano Studies Center (CSC) ng University of San Carlos ay nakatakdang magsagawa ng mga talakayan ng kinatawan ng Local Studies Centers mula sa iba-ibang panig ng bansa. Ang dalawang araw na kumperensya may pamagat na “revisiting local studies: roundtable on history, networks and futures” sa darating na Nobyembre 26 at 27 sa USC Talamban campus.
Simula noong 1975, ang CSC ay isang tagapaghawan ng araling pampook sa kapuluan sa huling limang dekada. Ayon są USC, “it has become a cornerstone in collecting, preserving, and interpreting literature, history and cultural heritage.”
Magbubukas ang kumperensya ng CSC sa bating pagtanggap ni Fr. Francisco Antonio Estepa, pangulo ng USC. Ang tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Dr. Regalado Trota Jose Jr. ang panauhing pandangal. Habang ang pambansang alagad ng sining, Dr. Resil Mojares ang magbibigay ng susing panayam. Ang panauhing tagapagsalita, si Dr. Patricio Abinales ay magbahahagi sa ikalawang araw mula sa University of Hawaii, Manoa.
Magkakaroon ng apat na roundtable discussion: mula sa Luzon ang Cavite Studies Center, Center for Batangas Studies, Palawan Studies Center, Marinduque Island Studies and Creative Hub at Center for Pangasinan Studies; mula sa Visayas ang Center for West Visayan Studies, Center for Samar Studies, Bohol Studies Center at Leyte Samar heritage center kasama ang CSC at mula naman sa Mindanao, Ateneo de Zamboanga, Coordinated Investigation of Sulu Culture at El Kaban de Zamboanga.
Inaasahang dudulo ang collaborative panel at reflection sa isang joint statement o network proposal. Magbibigay din ng mga update ang CSC director Dr. Hope Sabanpan-Yu tungkol sa archival development, publikasyon at pakikipag-ugnayan sa pagpapalaganap ng Cebuano cultural material. # Randy T. Nobleza Ph. D.
