Pagsasanay sa tour guiding, pinagpapatuloy ng DOT bilang Paghahanda sa Ph Experience

Boac, Marinduque – Nagsimula na ang “Marinduque Philippine Experience” Community Guiding Training sa Marelco Conference Hall noong Hunyo 17 at magpapatuloy sa 23 mula sa Kagawaran ng Turismo (DOT) Mimaropa.

Nagsimula sa mensahe ng Assistant Regional Director ng DOT Mimaropa Gladys Quesea at Marinduque Provincial Tourism and Cultural Office Rino Labay sa mahigit na 30 kalahok mula sa pribadong tanggapan, lokal na pamahalaan, mag-aaral, akademiko at nasa komunidad.

Nagbahagi si Ramon Mariñas tungkol sa Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) kasama ang 7Ms ng Filipino Values nang umaga. Naglahad din siya tungkol sa GUEST technique at HEART of Service Recovery. Sumunod na paksa ang Local Culture and History of Marinduque kasama si Dr. Randy Nobleza ng Marinduque State University. Sa hapon naman ng pangalawang araw ay Basic Life Support at First Aid Training mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) sa Marinduque Provincial Hospital.
Sa ikatlong araw ay nagbigay ng mga pamantayan sa paggiging Tour Guide si Dr. David John Agipo mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP). Samantala, nagkaroon ng gender sensitivity training si Dr. Ann Grace Labatete ng MarSU sa ika-apat na araw. Sa huling tatlong araw, itutuloy ni Dr. DJ Agipo ang tour guiding techniques, mock tour assessment at handling complaints at measuring success sa Hunyo 21 hanggang 23.
Magkakaroon ng Philippine Experience sa Marinduque sa darating na Oktubre, kaya naman nagsimula na ang Lalawigan ng Marinduque na maghanda simula sa pagsasanay sa Kulinarya noong unang bahagi ng buwan. # Randy T. Nobleza Ph. D.