Pagdodokumento sa wikang Binukidnon/Binukignon, isinagawa ng mga mananaliksik ng CIPOSNO

Pagdodokumento sa wikang Binukidnon/Binukignon, isinagawa ng mga mananaliksik ng CIPOSNO

ISINAGAWA ang paglikom ng datos para sa proyektong pagdodokumento ng wikang Binukidnon/Binukignon sa Sityo Binadlan, Brgy. Bi-ao, Binalbagan at Sityo Cabagtasan, Brgy. Codcod, Lungsod San Carlos sa Negros Occidental noong 8–11 Hulyo 2025. Pinangunahan ito ng mga mananaliksik mula sa Confederation of Indigenous Peoples Organization in Southern Negros Occidental (CIPOSNO) katuwang ang Cabagtasan Tribal Council.

Nagtúngo rin sa komunidad ang mga mananaliksik ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na sina Kirt John Segui at Dannielle Laggui para magsagawa ng monitoring hinggil sa implementasyon ng grant.

Kabilang ang CIPOSNO sa tatlong institusyong pinagkalooban ng grant ng KWF. Ang Dokumentasyon ng mga Wika sa Pilipinas ay isang patuluyang programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika sa pamumuno ni Gng. Lourdes Z, Hinampas, Punò ng Sangay at Dr. Arthur P. Casanova, Tagapangulo ng KWF.

Layunin ng proyektong ito na suportahan ang mga institusyon sa pagsusulong ng pananaliksik at dokumentasyon ng mga katutubong wika ng bansa.

PRESS RELEASE