Paano kumita sa Meta pero walang nasasaktan o nasasagasaan? DTI Negosyo Center naghanda ng Webinar ngayong Buwan ng Pamana

Paano kumita sa Meta pero walang nasasaktan o nasasagasaan? DTI Negosyo Center naghanda ng Webinar ngayong Buwan ng Pamana

Sta.Cruz, Marinduque – Ang Department of Trade and Industry (DTI) Marinduque sa pamamagitan ng Negosyo Center Santa Cruz ay magdaraos ng webinar may pamagat “Reel-in Your Success: Kumita at Lumbago Gamit ang Facebook” kaugnay nito ang “Basic Ethics and Etiquette in making Content Online.:

Batay sa paanyaya ng DTI Marinduque, “get ready to elevate your online presence and learn how to harness the power of Facebook reels to grow your brand. Don’t miss out on this incredible opportunity! Mark your calendars and we’ll see you there!” Bukas sa lahat ng mga interesado, mga maliliit na negosyo, mag-aaral, guro, propesyonal at digital learners.

Magbibigay ng pambungad at inspirasyonal na mensahe ang panlalawigang direktor ng DTI Marinduque, Dr. Roniel Macatol. Samantala, ipapakilala ng Negosyo Center Business Center ng Santa Cruz si Ian Dave Real ang mga tagapaglahad. Mayroong dalawang bahagi ang webinar, ang una ay tungkol sa Facebook Reels at ang isa ay tungkol sa ethics at etiquette ng content creation.

Para magtalakay tungkol sa Facebook reels, si Mark Jayson Lualhati mula sa DTI Oriental Mindoro. Samantala, si Dr. Randy Nobleza naman ng Marinduque State University ang magbabahagi tungkol sa Basic Ethics and Etiquette sa online content creation. Magpipinid naman ng webinar si Mark Dennis Cortez na hepe ng Trade and Industry Development.

Magsisimula ang webinar ng 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghal sa Mayo 21, Miyerkoles sa okasyon ng Buwan ng Pambansang Pamana. Ang tema ngayong taon ng Heritage Month ay “Preserving Legacies, Building Futures: Empowering Communities through heritage.” Randy T. Nobleza Ph.D.

PRESS RELEASE