P350K na Halaga ng Tanim na Marijuana, Sinunog sa Benguet

Umabot sa PhP350,000.00 na halaga ng tanin na marijuana ang nadiskubre at sinunog sa isinagawang marijuana eradication operations ng mga kapulisan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) sa lalawigan ng Benguet, nito lamang, ika-23 ng Mayo, taong kasalukuyan.
Sa bayan ng Bakun, isang plantasyon ng marijuana na natamnan ng 5,000 marijuana seedlings na may Standard Drug Price (SDP) na PhP200,000.00 ang nadiskubre ng mga operatiba mula sa 1st Benguet Provincial Mobile Force Company, Bakun Municipal Police Station (MPS), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Benguet Police Provincial Office (PPO), Regional Intelligence Unit 14, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-CAR sa Sitio Manggaan, Brgy. Kayapa.
Samantala, sa bayan ng Kibungan naman, dalawang plantasyon ng marijuana na natamnan ng 750 fully grown marijuana plants na may SDP na PhP150,000.00 ang natagpuan ng magkasanib pwera ng Kibungan MPS, PDEU at Provincial Intelligence Unit ng Benguet PPO, Regional Intelligence Division ng PRO CAR, at PDEA-CAR sa Sitio Paitan, Brgy. Badeo.
Lahat ng nadiskubreng marijuana ay binunot at sinunog ng mga operatiba matapos ang kaukulang dokumentasyon habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang plantasyon ng marijuana sa mga kalapit na lugar at mahuli ang mga responsable sa pagtatanim nito. (RPIO PRO CAR / File Photos)