P1.86-B inilaan ng National budget  sa DOH para sa mental health medicine – Sen. Go

P1.86-B inilaan ng National budget  sa DOH para sa mental health medicine – Sen. Go

BAGUIO CITY – (March 25, 2023) Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mental health sa ating bansa at ang isang naging problema dito ay yaong mga kapuspalad na mamamayan ang hindi kayang magpagamot.

Sinabi ni  Chair Committee on Health Senator Bong Go, “Meron P1.86-B ang DOH for mental health medicine under the 2023 National Budget at meron rin 12 milyon budget for mental health awareness and hotline, consistent tayo sa pagdagdag ng budget para sa mental health, alam niyo marami ang kababayan natin ang apektado noong panahon ng pandemiya yun iba ay nag experience ng depresyon yun iba ay nagpapakamatay pati rin mga estudyante may mga cases na yun 20 milyon enrollees ay 400 plus yun nagtangkang magpakamatay, nakakalungkot dahil nade-depress sila na maaaring dulot yan ng pandemiya, maraming mga OFWs natin noon nahirapan talaga, nag experience ng depression kaya dapat ay tutukan ng gobyerno itong mga mental health program”

“In 2022 we advocated P200 milyon sa pagdagdag ng pondo in 2021 we added P384 milyon for mental health program in 2023 ay meron rin tayo dingadag for special provision in the 2023 budget for the improvement of the benefit  packages of PhilHealth including mental health package, may panawagan ako na ang PhilHealth ay nadagdagan ang kanilang pondo for mental health services for children and amid the increase of violent incidence and the emergence of mental health problems  among school kids, pati yun mga estudyante ay nag experience rin ng depresyon, maraming mga kababayan natin talaga ang apektado ang kanilang mental health, isisingit ko rin na meron National Center for Mental Health sa Mandaluyong City at meron rin Malasakit Center dun sa naturang hospital,” pagtatapos ni Senator Go.

Pinangunahan ni Senator Bong Go ang isinagawang groundbreaking  ng Super Health Center  sa Atab, Baguio City na sinaksihan nina Mayor Benjamin Magalong, Vice-Mayor Faustino Olowan at ang kinatawan ni Congressman Mark Go na si Ma’am Soledad Go.

Kasama  rin si Senator Robinhood Padilla at ang actor na si Philip Salvador.

Nagsagawa rin ng distribution of assistance to indigent families sa Central Bakakeng bilang Assisatnce to Individuals in Crisis Situation program. (AICS)

Binisita ni Senator Go ang  Malasakit Center sa Baguio General Hospital for monitoring at kasabay rin na namahagi ng tulong sa mga fire victims na ginanap sa Baguio Central School. #  Mario Oclaman //Filipino News Sentinel

Mario Oclaman