“NALABAGA” Murals opening at SM City Baguio
BAGUIO CITY – Inilunsad sa SM City Baguio ang mga kahanga-hangang likha ng mga kilalang artist na sina Taipan Lucero na kung saan ay nagsimula bilang isang independiyenteng propesyonal sa industriya ng creative, na nagbibigay ng mga serbisyo sa isang mahabang listahan ng mga kliyente na kinabibilangan ng Fortune 500 na kumpanya.
Sa kalaunan ay nagtrabaho bilang nag-iisang Filipino designer sa isang kumpanya sa Kobe, Japan, naranasan niya mismo ang pag-aaral ng Japanese Calligraphy o Shodo, ang napakalaking pagmamahal at paggalang sa palabas ng Hapon para sa kanilang kultura. Dahil sa inspirasyon nito, huminto siya sa kanyang trabaho at umuwi upang magsimula.
Si Venazir Matinez naman ay isang street muralist at visual anthropreneur. Nagtapos siya ng cum laude na may degree ng Bachelor of Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas Baguio noong 2018. Ang kanyang kuwento sa sining sa kalye ay ginawaran bilang “The Best Thesis Production” at kalaunan ay naging kanyang life’s art at advocacy.
Nagtatag siya ng isang kilusang sining sa kalye na pinamagatang Hila-bana, na nagpapalaki sa totoong buhay na mga kuwento ng mga Pilipinong tagapagtaguyod ng kultura ng iba’t ibang grupong etnolinggwistiko na pinag-isa ng isang pulang sinulid. Ang thread na ito ay nagsisilbing isang katalista sa paghabi ng isang cultural tapestry na naglalarawan sa aming konektadong presensya sa mga pandaigdigang kultura. Ang kilusang ito ay nakakuha ng pambansa at internasyonal na traksyon na napatunayan ng National Commission for Culture and the Arts, na suportado ng Davies Paints Philippines at ng Search Mindscape Foundation.
Siya rin ang co-founder ng 23 Sampaguita Artist Collective at ang purveyor ng Sining Eskinita, isang multi-sensorial street art festival na may pangunahing layunin na kampeon ang mga artist mula sa lahat ng disiplina na itatag ang mga lansangan bilang instant institutional grounds para sa creative development at magbigay ng unibersal. access sa ligtas, inklusibo, at nakapagpapasigla sa kulturang mga pampublikong espasyo.
Ang SM City Baguio ang isa sa nag isponsor at tumangkilik dito sa mga murals na naka display sa Sky Terrace at sa Basement 2 na ginanap noong ika-24 ng Mayo, 2022.
Ayon kay SM Baguio mall manager Rona Vida Correa, “Specifically, SM City Baguio we really promote the cultural heritage ng Benguet not only of Baguio City but the whole of Cordillera that’s why we do tie of the local artist and we really bless and honored na sina Ms. Vena and Taipan allowed us to be the platform of their artworks so, ito ang isang trust talaga ng SM City Baguio at isa rin tayo sa pinaka rich ang culture we are located in the heart of Cordillera and we are bless with so many artist and of course more than bless na ginagawa nilang platform ang SM City Baguio at nagiging isa na rin kami sa main tourist attraction they don’t have to go elsewhere but SM City Baguio because we live by the yun tagline namin na “We’ve got all for you”
Sinabi ni Mural artist Martinez, “Itong murals ay isang supplemental learning tool para sa lahat hindi lang pokus sa Cordilleran communities natin but also sa atin mga tourist para malaman nila yun mga knowledge system and practices na nangyayari dito sa Cordilleran Region.
Ang murals na ito ay pinangalanan namin ang kwento nito ay knowledge system and practices na isinasagawa ng mga Cordillerans communities ng sa ganoon magkaroon ng develop learning ang ating mga tourist na bumibisita na hindi lang ang lamig ng Baguio ang dapat nila pinupuntahan but also our people, our culture, our practices napakagandang ma-elevate globally, internationally na ito ang dapat malaman ng mga turista na our Cordilleran people are also identifiy.
“Nalabaga” means umaalab and we thought of incorporating Nalabaga sa murals namin dahil ito ang sumisimbolo ng flame ng kultura natin, ang ating weaving cultures, and system and practices na pinakita natin yun cañao sa kabilang mural ay sumisimbolo ng sense of community, sense of belongingness, kaya also for the tourist din ito dahil ang cañao ay sumisimbolo ng pagkakaisa and it is a ritualistic practice na dapat malaman ng buong mundo na we have this kind of practice and traditions,”
Mga kasamang artist ni Taipan Lucero are founders of 23 Sampaguitas Artist Collective and this collective magnifies not only visual artists but also film artists, film directors, and cultural performers. Ito ang kino consist ng aming collective and so we strive to promote yun hindi masyadong linear ng art movement na we strive to envelop lahat ng cultural and artistic discipline na dito sa Baguio so, as much as possible we invite other artists with us to further elevate the cultural narrative of Baguio,” pagtatapos ni Martinez.
Ayon naman kay Artist Taipan Lucero, “Ang art and culture ay Isa rin na kagandahan at nakakatulong ngayon sa pagrecover sa pandemic, usually noong na quarantine tayo sa bahay nag self-quarantine pero nakakatulong ito sa pagrecover ng mental health na kapag nakakakita tayo ng artistic works ay isa rin ito na nakakatulong sa ating visual recovery not necessarily just for our murals kahit ibang forms of art , like for music at every aspect ng arts magandang tool ito para maka recover sa ating nararansan ngayon.
“Nakakatulong rin ito sa ating tourism dahil public art ito ang mga turista na eenjoy nila for free na meron sila maiuuwi in the form of pictures, in the form of bonding sa kanilang mga kasa-kasama, as an additional features dahil alam naman natin napakaganda na ng Baguio mas lalo natin subukan pagandahin sa pamamagitan ng ating mga sining,”
“Nilagyan ko ng konting touch nung artistic and dinagdagan ko rin yun unang pagsusulat which is bayabayin, nilagyan ko ng mga characters paikot para ihalo natin not necessarily na pang Cordillera lang parang ikabit natin buong Pilipinas para for us to sama-sama tayo bilang isang Filipino,” pagtatapos ni Lucero. Mario D. Oclaman //FNS