Nadiskubreng lihim na CCTV sa opisina ni NEA Appointed GM Beneco Atty Rafael, ay isang krimen –Sagsago

Nadiskubreng lihim na CCTV sa opisina ni NEA Appointed GM Beneco Atty Rafael, ay isang krimen –Sagsago

BAGUIO CITY – Walang kaalam-alam ang mga abogado kasama si NEA Appointed GM Beneco Atty Ana Maria P. Rafael sa kanilang pagpupulong noong nakaraan Linggo habang hindi pa maayos ang pagpapatakbo nito sa kanyang tungkulin bilang General Manager ng Beneco ay may nakapansin na nakatagong CCTV sa itaas na naka-install sa loob ng tinted mirror.

Inilahad ang isyu na ito  sa ginanap na press conference noong Setyembre 13, 2021 na ginanap sa Gen. Pedro Dumol Hall, Beneco Headquarters.

Ayon kay retired city prosecutor Atty Elmer Sagsago ay ipinatawag siya upang harapin ang isang bagay na ipinarating sa kanya kaugnay di umano na may naka install na secret cctv na inilagay sa itaas ng balcony na nakatago sa tinted mirror studio type sa Dumol Hall na kung saan ay ginagamit na pansamantalang opisina ni NEA aapointed GM Beneco Atty Ana Maria P. Rafael.

Sinabi ni Sagsago, “Obviously, ang purpose nito ay para mai-record kung ano ang conversation na nangyayari sa loob, lalo na sa mga lawyers at attorney Rafael, gusto ko malaman niyo na bawal ito, dahil ito ay tinatawag na violation of Republic Act 4200 Anti-wire tapping law.

“The Anti-Wiretapping Act of 1965 (RA 4200, entitled “An Act to Prohibit and Penalize Wire Tapping and other Related Violations of the Privacy of Communication and for Other Purposes”) prohibits and penalises wiretapping done by any person to secretly overhear, intercept, or record any private communication or spoken”

“Ito ay isang criminal act, ang mga may kinalaman na nag-install dito ay sila ang sasagot dito kung sakaling may demanda na mag-aakyat sa korte, tinanong ko kung saan nila nilagay, nilagay raw nila na nakatago, so, it shows something illegal purpose, I believe that kung gusto nyo mag record, kunin nyo ang consent ng mga tao, ipaalam nyo sa kanila na I record nyo, kung pumayag sila ,okay lang, pero kung wala silang consent, at sekreto ang gagawin nyo ay ito ang tinatawag na violation of Anti-Wiretapping law, I am happy natanggal ito pero it was not voluntarily remove, nagtawag pa sila ng tao para alisin ito, I am hoping na huwag na palakihin ang bagay na ito, sa sinabi nga ni Judge na the matter is already with the court of appeals, bakit pa natin palalakihin, bakit pa tayo gagawa ng violation of the law para lang ma satisfy ang gusto natin, we are just creating more divisiveness here instead of trying to wait to be more peaceful, we are already dividing the people, we will not supposed to do that, if you have conscience, i-annalize nyo, is that what are you doing proper, is it with accordance with law, is it ethical, is it moral?

“I hope hindi na maulit itong pag-iinstall ng secret listening devices dahil inuulit ko, mahigpit na ipinagbabawal yan, kahit bali-baligtarin natin, that is a crime,” pagtatapos ni Sagsago.

Samantala, limang araw rin na walang kuryente sa opisina ni Atty Rafael habang nagpapatuloy ito sa kanyang mga gawain na dapat sana ay malaya na itong nakakagalaw sa kanyang pagtatrabaho dahil alinsunod sa NEA-BOA Resolution No. 2021-71, ang lahat ng mga transaksyon na nauugnay sa pagpapatakbo at pamamahala ng pang-araw-araw na gawain ng BENECO ay magiging responsibilidad na ni Atty. Rafael bilang Pangkalahatang Tagapamahala mula pa noong Agosto 27, 2021.

Sinabi ni Atty Joel Pasiwen, “that is also a crime, to prevent somebody to execute her function by means of cutting off electricity so that she could not use the facilities needed in relations to her functions, it’s very ironic that within Beneco compound or building there is a place that there is no electricity,”

Ipinakita naman ni Atty Rocky Balisong ang tinanggal na secret CCTV device na kung saan ay nakukuiha nito ma pick up ang conversation na mula 30 to 40 meters at high-resolution rin kaya ang mga conversation na nangyari ay for sure it was pick up by this device, ayon sa expert ay it does not need power, ang kailangan lang ay kahit naka kabit lang sa internet gumagana na at hindi na kailangan ang kuryente, ginagamit ito sa mga highways, ang brand nito ay Axis Communications at nagkakahalaga ng P149 to 154 thousand per unit,”   Mario D. Oclaman / FNS

Mario Oclaman