Mimaropa Science, Technology and Innovation Awards idaraos sa unang araw ng Regional Science, Technology and Innovation Week

Mimaropa Science, Technology and Innovation Awards idaraos sa unang araw ng Regional Science, Technology and Innovation Week

San Jose, Occidental Mindoro – Tampok ang pagkilala sa mga pinakamahusay na Technopreneur, Community Empowerment through Science and Technology, Research and Development at Grassroots Innovation ngayong Mimaropa Science, Technology and Innovation Awards sa Mayo 28 sa Occidental Mindoro State College (OMSC) bilang bahagi ng Regional Science, Technology and Innovation Week (RSTW).

Magkakaroon ng pagbubukas na palatuntunan sa 9:00 hanggang 11:30 ng umaga, susundan ito ng press conference simula ng 12:00 hanggang 2:00 ng hapon. Ang Mimaropa Science, Technology and Innovation awards ay inaasahang magsisimula ng 2:30 hanggang 4:30 ng hapon. Magkakaroon din ng cultural night para sa mga imbitadong panauhin mula sa iba-ibang isla ng rehiyon, Occidental at Oriental Mindoro, Palawan, Marinduque, Romblon at Palawan.

Sa pagpapatuloy ng RSTW 2025, maghapong isasagawa ang Smarter MSMEs Summit sa OMSC gymnasium mainstage. Habang ang huling araw ay kasama sa programa ang Beyond Invention, Oceans of Opportunity, Building Sustainable and Connection Communities making ang pagpipinid ng programa.

Ang Mimaropa Science, Technology and Innovation Awards ay bunga ng pagsasagawa ng Grassroots Innovation for Inclusive Development (GRIND) sa pamamagitan ng Saliklakbay (Saliksik+Lakbay) mula nang nakaraang taon sa Occidental at Oriental Mindoro kasama ang Palawan. Pinagpatuloy sa Marinduque at Romblon kamakailan. Ang tema ng RSTW ngayong 2025 ay “Building Smart and Sustainable Communities.” Randy T. Nobleza Ph. D.

PRESS RELEASE