“MAN WITH A BIG HEART” ED BELTRAN @ 60

“MAN WITH A BIG HEART” ED BELTRAN @ 60

Idinaos ang ika-60 taon kaarawan ni Dr. Ed Beltran noong November 28, 2023 na ginanap sa Prince Plaza Hotel, Legarda Road, Baguio City.

Bago sinimulan ang simpleng programa ay pinalanginan muna ng pastor at magkasamang itinaas ang kanang kamay ng mga bisita bilang pagpapatunay sa kalakasan ng kapangyarihan ng Panginoong Diyos na basbasan ingatan at gabayan sa lahat ng oras kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay.

Mula sa kanyang maybahay na si Lorna, ang mga anak na sina Sandra, Kenneth Roy, at Ruby  kasama rin ang apo na si Mikaela.

Ang kapatid ni Ed na si Rosalinda at ang kanyang asawa na si Tony Arcellana.

Labis ang pasasalamat ni Ed sa mga dumalong bisita, mga importanteng tao sa buhay niya na pinangunahan ni Baguio City mayor Benjamin Magalong  mga matatapat nitong kaibigan, mga negosyante, kasamahan niya sa pulitika, mga Punong Barangay at higit sa lahat na ipinakilala ay ang napakabuting  tao na hindi nang iwan sa pag suporta sa mga programa at proyekto ni Ed.

“I would like to introduce the man behind everything sa mga ginagawa ko yearly sa mga pagpunta sa mga barangays nagka conduct ng gift giving, nagbibigay kami ng mga ayuda siya ang taong behind me tumutulong hindi nagsasawa at nakita niya naman ang kabutihan ko that’s why naryan siya na bina back up an ko parati hindi ako iniwan ng aking big boss , he is very humble, and  he is very kind actually he is the president and the owner of Avilon One Life Sir Jake Gaw,”

“Idi declare ko he is the man behind everything  sa naging success ng misyon ko ng Beltran Mission for Baguio together with Emz Pablo my team, Caloy, Glenn and Atty Zosimo Abratique part of the ngalngal partylist  and Robert de Vera ,” pagtatapos ni Ed

Nagpahayag ng mga pagbati sa kaarawan ni Ed ang mga panauhin na sina Mayor Magalong, Kenneth So, Gerry Uy, Atty. Abratique, Angelie Pamela Cariño, Jake Gaw, Glenn Gaerlan,  Sol Go, Richard Valencia, at Gladys Vergara De Vera.  ### Kuha ni: Mario Oclaman / FNS

Mario Oclaman