MAGNIFICENT BALLERINA
Iginawad ang Plaque of Recognition sa miyembro ng Ballerina of Baguio Ballet mula kay Congressman Mark Go, Vice Mayor Faustino Olowan at mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod matapos magtanghal ng ballet dance ang grupo na sina Pheoboa Rei Buen, Keri Kasandra Villegas, Shelly Camille Esguerra at Michel Jullianne Grace Quan.
Ipinakilala ng tagapagsanay na si Jacqueline Go – Ramon ang apat na binibini na nagrepresent sa lungsod ng Baguio sa Asian Grand Prix International Ballet Competition na kung saan ay umani ng karangalan at Bronze medal sa Philippine Dance Cup, at kinilalang mga finalist sa CCP National Ballet competition.
Ginanap ang pagbibigay ng parangal nung Monday Flag Raising ceremony (January 3, 2022) sa City Hall ground, Baguio City. Mario Oclaman / FNS