Magalong, magpapatuloy na maglilingkod ng tapat sa Lungsod ng Baguio

Ito ang mga katagang madalas marinig kay Mayor Benjamin Magalong, “pagsissikapan natin na maging maunlad, malinis maayos na pamamalakad at higit sa lahat ay maging transparent tayo lagi sa mga transaction,” kaya nga para sa huling taon ng kanyang termino ay ipagpapatuloy niya anya ang kanyang tapat na paglilingkod sa lungsod.
Dalawang tulog na lang bago ang botohan nitong Ika-12 ng Mayo, subalit walang humpay pa rin ang mga kapaniraan na ibinabato sa kanya, nangangahulugan lamang ito na totoong mabunga ang paglilingkod ng ating punong alkalde, hindi maiwasan ng kanyang mga katunggali at mga krititko na matanggap ang mga accomplishments na nagawa ngayon ng butihing alkalde, kitang kita naman simula noong bagong upo pa lang ni Magalong sa pagka mayor ay tinagurian na siyang public servant dahil, inisa isa nito binigyan ng pansin ang kayang 10-points agenda.
Mismo mga taga ibang lungsod at mga turista pa ang nagpatunay na nagsabi na ang Baguio ngayon ay napakaganda, kaya patuloy na dinarayo ng mga turista.
Kaya sa pagkakataong ito, kailangan pa rin natin ipanatili sa pagka public servant si Mayor Magalong para maipagpatuloy pa niya ang ilang ongoing projects at mga makabagong programa proyekto na siyang lalong magpapaunlad sa lungsod ng Baguio.
May mga dapat lang ipaliwanag para ipaunawa ang totoo sa mamamayan ang mga ipinalalabas na kumakalat na paninira kay Mayor Magalong.
“Mga kababayan, sa panahon ng eleksyon, maraming kumakalat na paninira at fake news para linlangin tayo. Halimbawa, may mga nagsasabi na ako raw ang mayari ng GoodTaste, Parkway, 200 taxis, at iba pang ari arian dito sa ating siyudad. Hindi po ito totoo.
“Bilang pananagutan ko sa inyo, pumirma po ako ng Authorization Letter na pinapayagan ang sinuman na magkaroon ng kopya ng aking mga pag-aari at negosyo sa Baguio. Kahit sino po ay pwedeng pumunta sa City Assessor’s Office sa City Hall para kunin ito. Wala po akong tinatago, at patunay ito ng katapatan ko sa inyo.
“Sa kasaysayan ng Baguio, hindi pa nagkaroon ng ganito kadumi at sistematikong paninira ng integridad. Maging mga kabataan, taxi drivers, at senior citizens ay sinasamantala bilang kanilang makinarya.
“Hindi ganito ang pulitika natin sa Baguio. Tayo ay isang Character City, at naniniwala tayo sa malinis at matuwid na pangangampanya.
“𝐌𝐚𝐭𝐚𝐥𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐮𝐢𝐨. 𝐊𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧, 𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐧𝐮𝐫𝐢 𝐚𝐭 𝐡𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐨𝐤𝐨. 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧𝐮𝐧𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚, 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨𝐭𝐨𝐨.
“𝐌𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐚𝐬𝐚 𝐩𝐨 𝐤𝐚𝐲𝐨, 𝐚𝐤𝐨 𝐩𝐨 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨,” Pagtatapos ni Mayor