LIMANG PLANTASYON NG MARIJUANA, NADISKUBRE SA BENGUET; MAHIGIT P1M NA HALAGA NG MARIJUANA SINUNOG

LIMANG PLANTASYON NG MARIJUANA, NADISKUBRE SA BENGUET; MAHIGIT P1M NA HALAGA NG MARIJUANA SINUNOG

Sa pagpapatuloy ng kampanya ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) laban sa pagtatanim ng marijuana sa rehiyon, umabot sa PhP1,044,000.00 na halaga ng marijuana ang nadiskubre at sinunog kasunod ng matagumpay na isinagawang marijuana eradication operations sa lalawigan ng Benguet noong ika-24 ng Marso, 2026.

Sa bayan ng Kibungan, apat na plantasyon na natamnan ng 3,720 fully grown marijuana plants (FGMJP) na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na PhP744,000.00 ang nadiskubre sa Brgy. Badeo. Samantala, natagpuan naman ang isang plantasyon na natamnan ng 1,500 FGMJP na may SDP na PhP300,000.00 ang nadiskubre sa Brgy. Kayapa, Bakun.

Ang nasabing mga operasyon ay naging matagumpay dahil sa pagtutulungan ng mga operatiba mula sa Bakun Municipal Police Station (MPS), Kibungan MPS, Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, at 1st at 2nd Benguet Provincial Mobile Force Companies ng Benguet Police Provincial Office, katuwang ang Regional Intelligence Division ng PRO CAR, Regional Intelligence Unit 14, at Philippine Drug Enforcement Agency-CAR.

Lahat ng nadiskubreng tanim ng marijuana ay agad na binunot at sinunog ng mga operatiba. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng taniman ng marijuana sa mga karatig-lugar, gayundin ang mga indibidwal na nasa likod ng pagtatanim nito. (RPIO PRO CAR / File Photo)

PRESS RELEASE