LA TRINIDAD PAPAILAWAN NG SOLAR STREET LIGHTS.

LA TRINIDAD PAPAILAWAN NG SOLAR STREET LIGHTS.

La Trinidad, Benguet – (August 25, 2021) – Isa sa proyektong isinusulong ngayon ni Benguet Congressman Eric Yap sa Buong Benguet ay pailawan ang mga sidewalks na gamit ang solar.

Sa panayam ng Filipino News Sentinel (Digital Online News) at ng 98.7 Z-Radio ni Mary “Dungo” Perkins Langpawan kay Cong Yap noong nakaraang Biyernes sa opisina ng YAP Supporters ay isang good news anya para sa Munisipyo ng La Trinidad ang mapapailawan gamit ang solar.

Sinabi ni Congressman, “Ang Km. 4 hanggang  sa Km. 6 ng La Trinidad ay mapapailawan na ng solar street lights, dahil ang nakikita natin ay wala na ngang pasok may naaaksidente at may namamatay pa dun sa kalsada ng BSU, kaya importante ito, kung makikita nyo ang ginawa nung dati poste lang so, paano nagsayang ng pera dati yun mga gumawa nito na may naitayong mga poste na walang ilaw?

Ngayon ang pangako ko, yun proyekto mapapakinabangan talaga, hindi lang yun pagkakaperahan, yun papakinabangan kung saan may ilaw at hindi na tayo kelangan makipag-usap sa Beneco o yun LGU kung sino ang magbabayad ng kuryente dahil ito ay solar lights na, sa Halsema ay nailagay na natin yun solar stadium, ito ay parang runway ng airport.

“Nakakalungkot dahil poste lang ang itinayo dati. Ngayon ilaw na solar ang ilalagay natin at para walang disputes sa local government at sa Beneco kung sino ang magbabayad ng kuryente,”

“Ang BLISTT projects naman ay tatapusin natin ito sa term ko hindi ako maghihintay ng next term bago tapusin,” ani Yap

Samantala, makikita sa mga litrato na kuha lang ngayon araw ng Miyerkules ay may mga poste na nakatayo sa kahabaan ng mula Km. 5 hanggang Km 6 La Trinidad, Benguet.   Photos by: Mario D. Oclaman

Mario Oclaman