KWF, bumisita sa TAOHAY NCCA Cultural Center and Regional Hub sa Lungsod

KWF, bumisita sa TAOHAY NCCA Cultural Center and Regional Hub sa Lungsod

Binisita nina Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran at Fultaym Komisyoner Carmelita A. Abdurahman ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang TAOHAY NCCA Cultural Center and Regional Hub noong 19 Marso 2026.

Nakasama nila rito sina Dr. Salvador P. Bacio, Jr., Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura ng West Visayas State University (SWK-WVSU), at G. Noel Galon de Leon, Direktor ng TAOHAY.

Napag-usapan nila ang paglulunsad ng mga kolaboratibong programa na magtatampok sa yaman ng sining at panitikan ng rehiyon.

Bilang bahagi ng pagsuporta sa pasilidad, nagkaloob ang KWF ng mga komplimentaryong sipi ng mga aklat, mapa ng mga wika sa Pilipinas, at KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino (DWF).

Bukod rito, magbibigay pa ang KWF ng karagdagang mga publikasyon upang higit pang mapaunlad ang mga sangguniang pangkultura sa TAOHAY.

Ang TAOHAY ay ang kauna-unahang Cultural Hub ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA). Maaaring bisitahin ang kanilang opisyal na Facebook page sa Taohay NCCA Cultural Center and Regional Hub. #

PRESS RELEASE