Kiko Pangilinan: Ayusin ang sistema upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda

Mga larawang kuha nina Mae Barangan at Dante Perello
SAN MATEO, Isabela- “Para magawa iyong plano sa loob ng anim na taon, dadagdagan natin ng 100B hanggang 150B piso ang budget ng DA taon-taon para pagdating ng 6th year 800 bilyon na, 750 billion na ang budget. Ganoon dapat ang stratehiya para ma-address natin iyong pangangailangan at suporta sa ating mga magsasaka sa usapin ng patubig, pataba, pestisidyo, krudo, equipment, post-harvest at drying facility, cold storage, iyan ang paraan para matugunan ng tama ang mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda”, ito ang naging pahayag ni Kiko Pangilinan, tumatakbong senador sa National and Local Elections 2025 (NLE 2025) sa isinagawang pulong pambalitaan na itinaon sa kanyang pagbisita sa Probinsya ng Isabela, Mayo 1.

Ito umano ang baluktot sa sistema na kailangang ayusin ng pambansang pamahalaan. Dapat din umanong masiguro na ang mga masasaka ta mangingisda ang direktang makikinabang sa nasabing karagdagang pondo at hindi ang mga trader at importer.

Sa parehong usapin tungkol sa agrikultura, kanyang tinalakay ang R.A. 11321 o mas kilala bilang Sagip Saka Act na kanyang naipasabatas noong 2019. Kanyang inihalimbawa ang Pamahalaang Panlalawigang Isabela na isa sa mga pinakaunang nag-implimenta ng nasabing batas. “Iyong Nagkakaisang Isabela, naibenta ang kanilang produkto direkta sa mga pamaalaang lokal sa Maynila at dito rin sa Pamahalaang Panlalawigan dito sa iSabela na wala ng public bidding”, salaysay ni Pangilinan.
Ayon pa ka sanya, tataas ang kita ng mga magsasaka ta mangingisda kung gobyerno ang mismong bibili ng kanilang produkto.
Ang Sagip Saka Act 2019 ay batas na naipasa ni Pangilinan noong nahalal siya bilang Senador noong 2016. Layunin ng programang ito ang direktang pagbebenta ng mga magsasaka at magangingsda ng kanilang mga produkto sa mercado kasama na rin ang pamahalaan para sa kanilang feeding program, relief operations at iba pang programa ng gobyerno.
Maaalala na naging Presidential Assistant for Food Security si Pangilinan noong 2014. Siya ay kasalukuyang kumakandidato bilang Senador s NLE 2025.

Pagkatapos ng pagbisita ni Pangilinan sa Isabela ay natungo siya sa Bayombong, Nueva Vizcaya. Dito ay nagpakita ng suporta ang ilan sa mga opisyal ng mga munisipyo sa pangunguna ni Atty. Jose “Jing” Gambito, gobernador ng nasabing lalawigan. Pakatapos ng maikling program na isinagawa sa Zen Hotel ay nagtungo siya sa Pamilihang Bayan ng Bayombong kung saan naging maiinit ang pagtanggap ng mga political volunteers at mga tindera sa kanyang pagbisita.# Mae Barangan