Kapampangan Studies ng Angeles University Foundation at KWF nagtulungan sa Pagbalangkas ng mga Pananaliksik Pangwika

Kapampangan Studies ng Angeles University Foundation at KWF nagtulungan sa Pagbalangkas ng mga Pananaliksik Pangwika

Isinagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pangunguna nina Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Komisyoner sa Pangasiwaan at Pananalapi at Kinatawan ng Wikang Ilokano, at Dr. Reggie Cruz, Kinatawan ng Wikang Kapampangan, ang opisyal na pagbisita sa pamunuan ng Angeles University Foundation, na pinangunahan ni Dr. Jennifer Santillan, Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon, noong 20 Pebrero 2026.

Pinagtuonan ng pansin ang pagpapalakas ng mga programang pangwika, lalo na ang pagpapaunlad ng Filipino sa konteksto ng Kapampangan Studies. Ibinahagi rin ni Dr. Mendillo ang konsepto ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) na maaaring itatag sa AUF, bilang katuwang na sentro ng KWF para sa mga inisyatibang pangwika at pangkulturang nakatuon sa wikang Kapampangan.

Kasama rin sa bahagi ng AUF sina Dr. Archimedes David, Direktor ng Christian Formation and Praxis; Dr. Ariel Gutierrez, Tagapag-ugnay ng MAPEH sa AUF Integrated School; Dr. Christiandon Aviado, Pangalawang Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon; at G. Christian Nicole Estrada, Tagapangulo ng Professional Education Department. #

PRESS RELEASE