ISANG PAANYAYA SA STRAWBERRY FESTIVAL 2024

ISANG PAANYAYA SA STRAWBERRY FESTIVAL 2024

Isang matamis at mainit na pag-bati sa ika-42 pagdiriwang ng ating Strawberry Festival sa temang – La Trinidad: The Strawberry Capital of the Philippines (Siron ni Duting).

Ang tema ay naglalayong muling pagtibayin ang katayuan na ating bayan bilang sentro ng produksyon ng mga makakatas at matatamis na strawberry, kilalanin ang malaking ambag ng ating mga strawberry farmers sa ating komunidad at kabilang na ang ating mga minamahal na bisita, pagbuklud-buklodin ang lahat ng sektor na bumabahagi nito.

Sa kabuoan, mayroon po tayong naka-ambang 31 na kapana-panabik na kaganapan sa isang buwan na selebrasyon, kung saan 20 nito ay LGU-led at 11 ay organisado ng pribadong sektor.

At sa pag-plano at paghanda nito, tiniyak po naming may isang kaganapang patok sa inyong kagustuhan.

Kaya halina, kabayan!

Makibahagi at makisaya sa amin sa Strawberry Festival 2024!

– Mayor Romeo K. Salda, mga opisyales, kawani at buong komunidad ng La Trinidad.

admin