Isang babaeng wala ng buhay natagpuan sa isang compound ng Alfonso Tabora barangay

Isang babaeng wala ng buhay natagpuan sa isang compound ng Alfonso Tabora barangay

Facebook photos file

BAGUIO CITY – (August 30, 2022) – Nauna ng kumalat sa social media partikular sa Facebook ang insidente na kung saan isang babae na nakahandusay na walang saplot ang naka post at umabot na sa 1,200 shares.

Ayon sa ulat na mula sa Police Station 2, Baguio CPO  bandang 6:45 ng umaga ngayon araw ng Martes ay may tumawag mula sa isang concerned citizen na ipinarating ang tungkol sa natagpuang bangkay sa loob ng compound ni Mr. Rodrigo Magsino Jr., 86 yo may asawa at residente ng #45 Alfonso Tabora barangay, Baguio City.

Pagdating ng mga rumespondeng tauhan, nakita nila ang walang buhay na katawan ng isang hindi pa nakikilalang babae na walang pang-ibabang damit, nakatakip ng tape ang bibig, nakatali ang dalawang kamay ng tape, at nakatali rin ng sinturon sa leeg.

Nagsagawa ng Crime Scene Investigation ang Baguio City Forensic Unit.

Ayon sa panayam through phone kay PLT Angeline Dongpaen ng PIO ng Baguio CPO, “So far doon sa tattoo niya nakuha yun link para ma search ng imbestigador natin sa FB at doon makakuha ng lead para sa identity ng victim,”

“May paakyat na nagreply na kamag-anak nakuha ng imbestigador natin sa FB so, waiting tayo for her identity po, ang bangkay ng biktima ay makalagak sa Baguio Memorial Chapel,”

“Nakuha na ang pagkakilanlan sa biktima na ito ay si Juliet Bajar Hesim, 22yo at tubong Pampanga,”

Sa ibinigay na impormasyon ni PLT Dongpaen.  #  Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman