Isang Araw na pagpapatupad ng kampanya laban sa Iligal na Droga, naging matagumpay: Php.806K nA halaga ng Droga, nasamsam, isang suspek, arestado

Isang Araw na pagpapatupad ng kampanya laban sa Iligal na Droga, naging matagumpay: Php.806K nA halaga ng Droga, nasamsam, isang suspek, arestado

Nasamsam ng mga kapulisan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) ang iligal na droga na may kabuuang halaga na PhP806,800.00 at naaresto ang isang drug personality sa magkahiwalay na operasyon na isinagwa sa Kalinga at Baguio City nito lamang ika-7 ng Agosto, 2025.

Sa Kalinga, isang plantasyon ng marijuana na natamnan ng 4,000 fully grown marijuana plants at may Standard Drug Price (SDP) na PhP800,000.00 ang nadiskubre ng pinagsanib na operatiba mula 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tinglayan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit ng Kalinga Police Provincial Office, at ng Philippine Drug Enforcement Agency-Kalinga sa isinagawang marijuana eradication operation sa Brgy. Loccong, Tinglayan.

Agad na binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskubreng marijuana, habang kasalukuyan naman ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang iba pang plantasyon ng marijuana sa mga kalapit na lugar at mapanagot ang mga indibidwal na sangkot sa pagtatanim ng nasabing iligal na halaman.

Samantala, sa inilunsad na buy-bust operation, isang 49-anyos na lalaki na nakatala bilang Street Level Individual ang naaresto sa Brgy. Holy Ghost Extension, Baguio City matapos siyang magbenta ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 1 gram at SDP na PhP6,800.00 sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Ang operasyon ay naging matagumpay sa pagtutulungan ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), City Intelligence Unit, at Police Station 3 ng Baguio City Police Office katuwang ang Regional Intelligence Unit-14.

Ang suspek at ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa kustodiya ng CDEU para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon. Habang inihahanda rin ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanya. # (PRO-CAR / RPIO)

PRESS RELEASE