IKAAPAT NA SERYE NG WEBINAR

Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”
Para sa IKAAPAT NA WEBINAR sa huling Martes ng Agosto, tatalakayin ang paksang “Filipino at Wikang Katutubo: Wika ng Malayang Pamamahayag” sa pamamagitan ng ating ekspertong tagapanayam na si Dr. Aurelio S. Agcaoili, Chair ng Department of Indo-Pacific Languages and Literatures sa University of Hawaii. Ito ay gaganapin sa 26 Agosto 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.
Narito ang detalye ng Zoom:
Link: https://zoom.us/j/93553276787…
Meeting ID: 935 5327 6787
Passcode: 618593
Ipinaalala na limitado ang slot na maaaring dumalo sa pamamagitan ng zoom. Maaaring tunghayan ang webinar sa facebook page na ito.
Ang mga dadalo sa webinar ay makatatanggap ng e- sertipíko mulâ sa KWF sa pasubaling matutugunan ang kahingian ng webinar. ###