“Ganire kami sa Mogpog” pagpoposisyon sa potensyal ng Kabataang Mogpogueño sa isla

Mogpog, Marinduque – tinipon ng Bayan ng Mogpog ang mga gawain sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) para sa pagpoposisyon ng potensyal ng kabataan sa isla. Kamakailan ay naglabas ng opisyal na iskedyul ng mga aktibidad para sa Linggo ng Kabataan 2025 na may temang “Local Youth Actions for SDGs and Beyond” sa darating na Agosto.

Magbubukas ang pagdiriwang sa Agosto 9 sa pamamagitan ng Color Fun Run, kasunod ang Mobile Legend Inter High School Tournament at Kabataan Got Talent sa Agosto 10. Susundan ito ng Debate Competition at Kundiman Singing Competition sa Agosto 11, Mangrove-Planting at Coastal Clean-Up pati Skateboarding Competition sa Agosto 12, Battle of the Band sa Agosto 13, Cultural Dance Competition sa Agosto 14, at Kabataan Awards Night sa Agosto 15.
Ayon sa tanggapan ng LYDO ng Mogpog, ang layon ng mga aktibidad na ito na mahikayat ang partisipasyon ng kabataan sa mga makabuluhang gawain, mapa-sining man, isports, o kalikasan.
Dagdag pa nila, sampu din ng hepe nila si Jayson Mistal, concurrent na Tourism Designate, hintayin lamang ang karagdagang abiso para sa iba pang detalye.
Sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan pa ng Mogpog LYDO sa cultural manager at event organizer, Seller Nolos ay marami pang gawain ang nadagdag sa Linggo ng Kabataan ngayong taon. Magkakaroon ng Night Market simula sa Agosto 8. Gayundin, mayroon din ng Battle of the Band elimination sa Agosto 9, Tiktok Dance showdown kasabay sa Agosto 12, championship ng Battle of the Band sa Agosto 13 at open mic na may spoken poetry sa Agosto 17.
Ang Sustainable Development Goals (SDGs) ay mula sa mga tunguhin ng United Nations sa darating na taong 2030 batay sa mga naunang mga target kagaya ng development decades pagkatapos ng mga digmaang pandaigdig at Millennium Development Goals noong 2000s. Mahalaga ang papel ng mga kabataan sa pagkakamit ng mga tunguhin ng SDGs. Ang bayan ng Mogpog ay kinikilalang tahanan ng mga tradisyong panrelihiyon at kultural na pamana kagaya ng moryonan at tubongan.
Ang Linggo ng Kabataan ay taunang selebrasyon tinadhana ng batas RA 10742 o Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 at Local Government code of 1991. Kaugnay din ito kung kailan papatak ang pandaigdigang araw ng kabataan tuwing Agosto 12. # Randy T. Nobleza Ph.D.