Farmer’s Basket Restaurant, kauna-unahan nagbukas sa barangay

Farmer’s Basket Restaurant, kauna-unahan nagbukas sa barangay

BAGUIO CITY  – Hindi naging hadlang kay Arlene M. Cipriano, may-ari ng resto, ang patuloy na pananalasa ng pandemiya, maging sa gitna ng mga pagsubok at pagbaba ng ekonomiya sa lungsod ay hindi pinanghinaan ng loob si Arlene bagkus kanya itong pinagsikapan gawin at isa na rin ang naging dahilan ay para mas mapabuti at lalong magtagumpay ang Baguio Market to Home and Barangay Market na patuloy nilang pinagsisikapan tulungan at serbisyuhan ang mga farmers at ang mga kostumers sa barangay.  

Isang magandang layunin ang naisip ni Arlene na nagtayo ng Farmer’s Basket Restaurant na kung saan ay ito ang kauna-unahang likha ng Market to Home upang ang mga panindang gulay na may matira o maiwan ay nagagawan ng paraan upang ito ay hindi masayang kung kaya isinasama ito sa pagluluto ng mga masasarap at espesyal na putahe, maging ang mga karne at prutas upang walang masayang.

Sinabi ni Arlene, “Medyo ninerbiyos pa ako when it comes sa business, pero ng dahil sa naging trabaho ko ay sa pagbebenta ng gulay at hanggang sa may naghahanap ng mga pang seasoning na para sa gulay, kaya nagtayo rin ako ng grocery, pero hindi pa pala matatapos dun dahil kung may grocery ka pala at gulayan ay naisip ko na magtayo na rin ng restaurant  para minsanan ko na lang kukunin sa mga itinitinda ko rin na panghalo sa mga ulam,  balak ko rin mag-pastol ng kambing para ito ang magiging specialties na dishes ko, pang kaldereta, Sinampalukang at kilawen na kambing,” Unti-unti ko rin pinag-isipan kung ano ang unang gagawin at mga kailangan sa resto, inuna ko yun magiging makakatulong ko rito sa kitchen yun marunong magluto ng iba’t-ibang putahe, mga pantry na mag-assist at yun service crew, mabilis rin ako nakakita ng mga tauhan dahil rin nasa pandemic tayo kaya marami ang mga walang trabaho at ginusto rin nila para matulungan ko rin sila, basta ang mahalaga ay yun ginagawa rin nila yun nasa tamang pagta-trabaho at umaasa ako na mas marami pa kami matulungan lalo na’t tuloy-tuloy itong Farmer’s Basket, hinihikayat ko rin yun mga kasamahan namin dito sa Baguio Market to Home sa kanilang barangay na makagawa kayo ng maaaring pagkakitaan na mula sa vegetables, fruits at meat,” ani Cipriano

Dinaluhan ng ilang Punong Barangay at ng president ng Baguio Market to Home na si Malou Sambrana, Up North Business Club president Jeannine Chan at Baguio Market Superintendent Fernando Ragma Jr. na nagbigay ng mga pampasiglang mensahe na ginanap sa Commercial Building Mirador, Lourdes Grotto noong Pebrero 27, 2021.  

FARMER’S BASKET RESTAURANT NOW OPEN TO SERVE YOU.

SPECIALTY DISHES:

Kilaweng Kambing …………. –  P150.00

Kalderetang Kambing……..  –  P150.00

Sinampalukang Kambing..  –  P150.00

Papaitan ………………………..  –  P120.00

Beef Bulalo …………………….  –  P250.00

Beef Mixmix  ………………….  –  P130.00

Pork Sungo  …………………….  – P130.00

Dinakdakan  ……………………  – P130.00

Vegetable Stir Fry ……………  – P50.00

Pinikpikan ………………………. –  P100.00

Mix Seafoods  …………………. –  P150.00

Seassonal Shake ……………… –  P50.00

Free Barako Coffee, Free Unli Rice

Located at Lourdes Grotto, Baguio City

You may contact at Mobile no. +639497755138

Email add: farmersbasket_dealer@gmail.com

Mario Oclaman