EYESORE

EYESORE

Nakuhaan ng litrato ang newsstand na ito sa corner ng Perfecto Street, Session Road, Baguio City ngayon June 17, 2021 na kung saan ang nasabing newsstand ay ipinamigay ito sa ilang newsstand seller na mula sa partnership ng City at GLOBE Telecom, Inc. noong nakaraang taon bilang kabuhayan nila, ngunit tila naging kapabayaan naman ang ginawa ng ilang may-ari nito.

Isa ito sa mga kadahilanan ni mayor Benjamin Magalong kung bakit ipinapatanggal ang mga sidewalk vendor sa Central Business District dahil nagsisilbing bagay na pangit sa paningin at nawawala na ang adbokasiya na kalinisan sa lungsod, na ito rin ang magiging epekto ng pagbaba ng turismo kung magpapatuloy ang ganitong tanawin na basura sa isang tabi ay hindi pa malinisan. Isa rin ito sa ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang bangketa at lahat na nakakasagabal sa kalsada. May planong relocation ang inihahanda naman ng city tungkol sa mga legit na sidewalk vendor, ngayon matatapos na ang anim na buwan na kasunduan ng city at sidewalk vendor para sa paglilipat nito.  Kuha ni: Mario Oclaman / FNS

Mario Oclaman