DOT will build the first Tourist Rest Area in Baguio

BAGUIO CITY – (December 5, 2022) Ang Tourist Rest Area ay isa sa mga landmark na proyekto ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco alinsunod sa direksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na gawing mas maginhawa ang paglalakbay sa bansa para sa mga turista at tumulong sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga lokal na komunidad.
Ang Department of Tourism (DOT), sa pakikipagtulungan ng Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA) at lokal na pamahalaan ng Baguio City ay nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) para itayo sa lungsod ng Baguio ang TRA noong (Lunes), Disyembre 5 na ginanap sa Baguio Country Club.
Pinangunahan ni Tourism Secretary Frasco ang paglagda sa MOA na nakasaad dito para itayo ang TRA sa Lion’s Head Kennon Road.
Kabilang sa mga lumagda ay sina TIEZA Chief Operations Officer Mark Lapid, City Mayor Benjamin B. Magalong, Baguio City Congressman Marquez Go ang kinatawan ng kanyang asawa, si Soledad Go at Vice Mayor Faustino Olowan na kinatawan ni City legal officer Richard Tayag.
Sa ilalim ng kasunduan, ang TRA ay itatayo ng TIEZA at kapag ito ay natapos na, ang Baguio local government unit (LGU) ang mangangasiwa sa mga operasyon at pagpapanatili ng pasilidad. Aaprobahan din ng DOT ang alinman sa mga kahilingan ng LGU na may kaugnayan sa financial sustainability ng TRA, tulad ng pagbubukas ng mga pasalubong center at iba pang negosyong may kinalaman sa turismo sa loob ng TRA.
Ang pagdating ng mga bisita sa Baguio City ay nagpakita ng patuloy na pagtaas ng trend mula noong pagluwag ng mga paghihigpit sa Covid-19.
Ang pandemya ang humadlang sa pagtaas ng turismo sa Baguio, kung saan ang Lungsod ay nakapagtala lamang ng mahigit 267,000 bisita noong 2021 at 268,000 noong 2020, kumpara sa mahigit na 1.5 milyon noong 2019. Ang unang 10 buwan ng 2022 ay nai-post ng lumalagong trapiko ng mga turista sa lungsod, na may higit sa 474,000 mga pagdating ng mga bisita ang naitala.
Sinabi ni Frasco, “Baguio is home to one of the most beautiful cultures that our country has; also, it has a very vibrant and dynamic local community that supports its own tourism initiatives. We’re very happy to help in their initiatives by adding a component to tourism that will make the travel experience of coming to Baguio even more convenient and stress-free because we’re providing the Tourist Rest Area to have clean and decent restrooms, a pasalubong center, and a tourist information center. We foresee that this can add further to the already very vibrant and dynamic tourism scene here in Baguio”
“This year, the intention is to give our tourists convenience as they go along their journey understanding that the experience is not only at the destination itself but also the journey itself,”
“We’re maximizing domestic tourism as well by having close coordination [and] collaboration with our local government units such as Baguio City to ensure that we get Filipinos that are from the South and Central Philippines here to Baguio, and from here in Baguio at the North to Central Philippines and the South,” pagtatapos ni Secretary Frasco.
Umaasa naman si Mayor Magalong na kahit maraming hindrances at challenges pa rin ang hinaharap ngayon ay naniniwala pa rin na magiging successful ang project na ito at tityakin na maging masigasig para mai deliver sa Department of Tourism at sa mga taga-Baguio, at malaking pasasalamat na tanggapin ang opportunity na ito na magbibigay ng mas lalong pagtaas ng turismo sa lungsod. ### Photos by: Mario Oclaman //FNS