Coun. Cayabas pinangunahan ang orientation ng TUPAD 2023

BAGUIO CITY – Umabot sa 1000 benepisyaryo na mula sa 128 barangay ang mapalad na napili na makakasama sa pagsagawa ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage / Displaced Workers (TUPAD) na inisyatiba ng Department of Labor and Employment in partnership with the office of Councilor Vladimir D. Cayabas.
Sa ginanap na orientation sa Baguio Central School noong April 25, 2023 ay nasa 500 lamang na benepisyaryo ang nakadalo sa orientation ngunit inaasahan na mabibigyan pa rin sila ng pagkakataon para makapag orientation upang malaman nila ang mga dapat nilang gawin sa oras ng kanilang pag-TUPAD.
Malaki ang pasasalamat ni Councilor Cayabas sa DOLE dahil naipagkatiwala nito sa kanyang tanggapan ang pagsasagawa ng TUPAD para mabigyan ng financial assistance ang mga nangangailangan ngunit kailangan lang nila ito trabahuhin ng sampung araw.
Sinabi ni Cayabas na ang pagpili ay hindi basta-basta dahil ilang buwan rin nila pinag-aralan at na-obserba na ang mga nagbigay ng kanilang entries sa TUPAD ay yaong mga mas nangangailangan at mga walang trabaho o natanggal sa trabaho, ang iba naman ay mga hindi pa nakaranas mag TUPAD, meron rin mga hindi napagkalooban ng scholarship at yun mga ibang hindi napagbigyan ng financial assistance noon ay isinama rin nila sa listahan.
Subalit nais lamang masiguro ni konsehal na maging honest ang ilang beneficiaries dahil anya, “gusto ko na maging honest rin kayo sa mga naisama ngayon sa listahan ay gusto namin malaman kung sino sa inyo na nakalista ngayon dito sa akin, subalit may ongoing pa pala sinasamahan na TUPAD, tulad sa tanggapan ni Congressman Go, at tanggapan ni Mayor Magalong, dahil may mga assistance rin sila ipinapatakbo at sana kung nakasama man kayo dito ay pwede niyo naman gawin replacement na lang sa inyong kamag-anak, kapitbahay o yun taong alam niyo na nangangailangan rin na pwede niyo matulungan,”
“Namo monitor rin ng DOLE yan at ng aming tanggapan kung sakaling makitaan kayo na dala-dalawa ang pangalan niyo sa listahan ay pwede kayo kasuhan at hindi rin kayo makakatanggap ng sahod,”
“Kaya, nakikiusap ako na maging honest lamang tayo sa ating gagawing pag TUPAD, malaking tulong ang gagawin nyo na pwedeng ibigay sa inyong mga mahal sa buhay at kaibigan na nangangailangan rin ng tulong,”
“Antabayanan niyo na lang ang tawag or text ng aking secretary sa inyo kung kailan magsisimula ang inyong pag TUPAD,” pagtatapos ni Cayabas. # Photo by: Mario Oclaman //FNS