Commission on Human Rights at Komisyons sa Wikang Filipino nagkaisa sa paggiit sa Karapatan ng Indigenous People para sa wika, kultura, at identidad
Bilang pagtalima sa mandato ng KWF at pagbibigay-pugay sa ika-89 na anibersaryo ng KWF, idinaos nang matagumpay ang isang makasaysayang diyalogo sa pagitan ng Komisyon sa Karapatang Pantao at mga pangkat etniko sa pangunguna ng Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayang ng Pilipinas sa pamumuno ni Dato Binalan Hanas kasama ang Fulltime Komisyoner na si Dr. Benjamin M. Mendillo, Jr., ng Komisyon sa Wikang Filipino upang iparating ang mga ipinaglalaban ng mga katutubo sa kanilang ancestral lands na magiging direktang makakaapekto sa mandato ng KWF lalo sa preserbasyon ng katutubong wika sa Pilipinas na isinagawa noong ika-13 ng Nobyembre 2025, sa tanggapan ng Komisyon sa Karapatang Pantao, Lungsod Quezon.
Dinaluhan ito ng mga opisyal ng Komisyon sa Karapatang Pantao sa pangunguna ng Director para sa Protection Cluster na si Atty. Jasmin Regino at mga Regional Director ng naturang ahensiya na nagbigay ng kagyat na tulong sa hinaing ng mga katutubo.
Sa isinagawang diyalogo, bawat tribo at rehiyon ay binigyan ng oportunidad na ilahad ang kanilang mga danas sa pagpapatupad ng BR 8371. Ang mga aksiyong legal ay itinala at nagbigay ng commitment ang mga rehiyonal na direktor na sila ay tutulong sa kanilang mga kinakaharap na hamon.
Nagbigay din ng mensahe si Komisyoner Mendillo sa huli bilang rasyonal sa pagtulong ng KWF sa mga katutubong mamamayan bilang kongkretong pag-alinsunod sa pagpapanatiling buhay ang wika at kultura ng mga katutubo at sa pagsuporta sa kanilang karapatan bilang pagpapahayag ng kanilang pagkatao at pagkasarinlan.
Pangunahing layunin ng diyalogo na madinig ang ginagawang diskriminasyon, panggigipit, pagpapaalis sa kanilang ancestral lands na hindi isinasaalang-alang ang Batas Republika 8371 o ang Indigenous Republic Act. #
