Comelec Chairman Garcia tinalakay ang mga isyu ng BSKE 2023

(From l-r) Regional Election Director Cordillera Atty. Julius D. Torres, Director of the Commission on Election Atty. Teopisto E. Elnas Jr. Comelec Chairman George Erwin M, Garcia, Atty. Rafael B. Olaño – Deputy Executive Director for Operations and Assistant Regional Director Cordillera Atty. Vane Roncallo during the press conference at the Regional Election Director, COMELEC on May 13, 2023. Photo by: Mario Oclaman //FNS
BAGUIO CITY – (May 15, 2023) Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin M. Garcia ang pagtalakay ng ng mga isyu kaugnay sa papalapit na Barangay at SK election at yun mangyayari na national and local election 2025 ay maraming pagbabago during local election na masigurado na maging transparent at may accountability ang lahat ng proseso.
Naunang pinasalamatan nito ang Regional Office, (R.E.D.) Provincial Election Supervisor, Election Officers at lahat ng empleyado ng Commission Election assistance.
Siniguro ni Garcia, na matutuloy na ang SK election sa October 30, 2023 minarapat ng comelec na mai move yun filing ng certificate of candidacy from August 28 up to September 2, 2023.
Ginawa ito dahil may mga panawagan na pwedeng I delay ng konti dahil inaalala na baka naroon ang karahasan yun violence o yun unfair sa mga may kaya na kandidato.
“Nais natin sa election na ito at sa darating na election na ang lahat ng mga kaso ng nuisance ay ma resolve ng comelec bago mag election, ito ang commitment na binigay ng commission sa senate committee on a suffrage and electoral reform.
“Babantayan natin ang filing ng candidacy dahil meron magpa file diyan ng mga nuisance candidate sana huwag niyo ng gawin dahil kakasuhan namin bago mag October 30.
“Sinasamantala ito ng iilan kandidato nagpapatakbo ng mga nuisance candidates upang makalito sa ating mga kababayan at hindi mahalal ang tunay na dapat mahalal.
“Kung ang botante ay dalawang beses na hindi nakaboto ito ay deactivated ayon sa batas ngunit hindi permanent na hindi makakaboto dahil ito ay constitutional right pero naka isantabi lang muna yun kanyang registration kung ang botante ay lumipat sa ibang lugar at nagparehistro ng bago na hindi dapat dahil ang kailangan ay nagpa reactivate at nagpa transfer with activation dapat ang gawin, dahil kapag nagparehistro ka ng bago ang record mo ay naka intact pa rin kung saan ka unang nagparehistro, mati trace ito ng automated finger prints identification ay makikita na nagparehistro ka ng bago, take note hindi parehas na matatanggal ang registration meron isang matitira at yun ang unang record na registration at yun taong nadiskubre na nagrehistro ng dalawang beses ay pwedeng makasuhan ng omnibus election code na election offense anim na taon na pagkakakulong yan, dahil sa bagong liderato ng komisyon yun limang daan regardless ng mga dahilan nila ay ipa file na sa kanila ang kaso because good faith is not a defense,”
“Kung kinakailngan na mate-trace natin kung sino ang mga nasa likod dapat pag binago natin yun Republic Act 8189 kasama yun sa ground ng disqualification hindi lamang yun taong nagparehistro kundi kung sino yun conspirator na nasa likod dapat madamay din at hindi lang kasong criminal dapat disqualification perpetual pa dapat yun din ang aking panawagan dun sa nuisance candidacies na yan nuisance candidate na I disqualified ngayon walang makakapigil sa kanya na kahit makailang ulit tumakbo, dapat dito ay pinaparusahan, ang ating proposal five-hundred thousand fine or imprisonment o perpetual disqualification to hold public office at kung mati trace kung sino ang nasa likod dapat disqualified at same penalty yan lang ang paraan and the comelec will be very serious in prosecuting dahil mangyayari yan regardless na kahit na anong election , kaya lang hindi lamang ang comelec lang ang may tungkulin dito it should be a whole nation approach in the same manner na lagi natin kinamumunihan ang pamimili ng boto ganyan rin ang mga irregularities,”
“Walang pinag uusapan sa mga makina dito outside of the elect order automated election system ito ang sino solve namin kaya kailangan ng comelec ang tulong ng lahat ang media, ang ating mga kababayan, dapat aktibo sila I report nila ang lahat ng nakikitang mali at dapat ma document kasi ipinaglalaban namin I amend o revise ang omnibus election code 1985 pa kailangan mai-testify kung ito man ay naka document o naka video dahil may loop horse ang batas and will be taking advantage na walang ibang gawin kundi mag commit ng irregularity,”
“Halos kumpleto na rin ang preperasyon sa SK election kailangan lang makapag imprenta ng mga 1.5 milyon ballots para sa karagdagan botante na nagparehistro mula December 12 up to January 31,
“Sa kasalukuyan ay nasa 68 milyon na ang botante sa buong bansa yun ay regular na botante at halos 25 milyon ang botante sa SK so, technically mayron na tayong higit na 91 to 92 milyon na botante sa Pilipinas.
Sa pagsasabatas ng Republic Act No. 10742 ay SK Reform Act na kung saan ay first time naisama ang anti-political dynasty sa lahat ng tatakbo na SK dapat hindi related by up to the second degree sa isang national, provincial, regional, city or municipal official yun tatakbo at least may attempt nag anon, ibig sabihin pag nag file ng candidacy ang isang kandidato SK kahit siya ay related kay mayor hindi naman alam ng lahat ng election officer naging related na anak pala ng isang opisyal dito ay makakatanggap ang comelec ng disqualification cases and we will disqualify kung talagang base dun sa nakalagay sa batas ay second degree anak ng opisyal yun so, bawal tumakbo ang anak ng kapitan, mayor, congressman, governor at president man o senador.
“At may isa pang rules na lahat ng magpa file ng SK na more than 24 years of age sa araw ng election sa October 30, kung sa October 30 ikaw ay 24 years and 1 day, we will not accept your candidacy, we will refuse to accept your candidacy, hindi ministerial ang duty ng local comelec namin to accept, if you want you can go to the court, no problem sa amin basta we will not accept, dahil nung nakaraang election apat na libong mahigit ang tinanggap ng comelec na mga candidacy na more than 24 years of age, kung ganun? Hindi na iginagalang ang ating electoral process, we are trying to prostitute our electoral process, alam naman natin maliwanag ang batas,”
“Pangalawa, hindi rin namin tatanggapin yun certificate of candidacy nung barangay candidate chairman, kagawad kung sila ay hindi registered voter ng barangay na yan,” pagtatapos ni Garcia. ### Mario Oclaman //FNS