Cayetano layunin na maging sports tourism leader ang Pilipinas
“We will be a sports tourism powerhouse.”
Senator Alan Peter Cayetano, Chairman Emeritus of the Philippine National Volleyball Federation (PNVF), participated in the ceremonial ball turnover for the country’s solo hosting of the FIVB Volleyball Men’s World Championship in 2025. “We will be a sports tourism powerhouse,” Cayetano said. He was joined by Volleyball World CEO Finn Taylor as well as local organizing committee co-chairpersons Vincent Marcos and Department of Tourism Secretary Christina Frasco on Tuesday, June 18, 2024, as the country began its hosting of the 2024 Volleyball Nations League (VNL) Men’s Tournament. (Contributed Photo)
Sa kanyang pagdalo sa ceremonial ball turnover para sa solo hosting ng bansa sa FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025, buong kumpiyansang sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na magiging isa sa mga pangunahing destinasyon para sa sports tourism ang Pilipinas.
“What makes us a perfect venue for hosting multiple teams and multiple sports [ay] ang hospitality ng Plipino. Iba talaga,” wika ni Cayetano nitong Martes, June 18, 2024, sa pagbubukas ng Volleyball Nations League Men’s Tournament o VNL Men’s Tournament sa bansa.
“We really care, we really treat them as family. Kahit makakalaban mong team, aalagaan mo,” dagdag niya.
Nanguna sa ceremonial turnover si Volleyball World CEO Finn Taylor, na siyang nag-imbita kay Cayetano, ang Chairman Emeritus ng Philippine National Volleyball Federation o PNVF, sa entablado. Kasama nila ang mga co-chairperson ng local organizing committee na sina Vincent Marcos at Tourism Secretary Christina Frasco.
Kasama rin sa seremoniya sina Senador Pia Cayetano, PNVF President Ramon Suzara, Pasay City Mayor Emi Rubiano, Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino, FIVB Australia Head of Technical and Development Steve Tutton, at Asian Volleyball Confederation o AVC President Rita Subowo.
Umaasa si Cayetano na mas magiging matagumpay ang mga susunod na pagho-host ng bansa dahil sa mga aral na natutunan mula sa nakaraang pagho-host ng mga prestihiyosong sporting events.
“Ang isang challenge natin of course ay ang facilities. We’re learning. But the basics for a good community are also the basics for good hosting,” saad niya.
“I think there’s one thing we should focus on supporting our athletes. Pag ginawa natin ‘yan, sports tourism will grow,” dagdag pa niya.
Nagsisilbing panimula para sa grand solo hosting ng FIVB ang VNL Men’s Tournament sa Mall of Asia ngayong linggo. Kabilang sa mga kalahok sa tournament ay ang mga fan-favorites tulad ng Japan, USA, Brazil, Germany, France, at Canada. ### (PR)