Candies, “bringing luck together and wishing blessings  for the coming year” – Peter Ng

Candies, “bringing luck together and wishing blessings  for the coming year” – Peter Ng

BAGUIO CITY – Naging matagumpay ang pagsasagawa ng Grand Colorful Parade bilang pagdiriwang ng ika-25 taon ng Spring Festival Chinese New Year na sinaksihan ng libo-libong mga manonood.

Pinangunahan ni Consul at Head of Post ng Chinese Consulate ngLaoag na si Ren Faqiang sa pamamagitan ng pagpaputok ng starter pistol ay sinimulan ang parada na mula sa Upper Session Road hanggang sa Grandstand, Melvin Jones, Harrison Road noong Enero 27, 2023.

Pinangunahan ito ng mga Executive Division ng Baguio Filipino – Chinese Community at Baguio Filipino- Chinese Chamber of Commerce Inc. sa pangunguna ni Chairperson and President  Mr. Peter L. Ng, Vice-Chairpersons Mr.Thomas K. Kho at Mr. Fernando S. Tiong at amg mga Executive Committee on Parade na sina Co-Chairs Ms. Antonette Anaban, Mr. Neftali Manila, Mr. Roland Wong, Mr. Jeff Ng at Mr. Jeffrey Sy, nakasama rin ang ilang city officials na si Congressman Mark Go at Ma’am Soledad Go,  Councilors Betty Lourdes Tabanda, Lilia A. Fariñas, Peter Fianza, Leandro Yangot, Elmer Datuin, Isabelo Cosalan at Levy Lloyd Orcales, kasama rin ang City Tourism Officer Alec Mapalo at si Baguio Tourism Council chairman Gladys Vergara de Vera.

Maraming mga Filipino – Chinese business enterprises, companies ang nakisama sa parada habang namimigay ng goodies, candies at iba pa.

Nakapag bigay rin ng saya ang mga performance ng Lion Dragon Dance,  Association of Baguio Chinese Filipino Youth Inc. sa kanilang maliliksi pagpapalabas ng martial arts, Baguio Cosplayers Alliance at ang Wushu Federation Philippines, Baguio CAR Chapter Taisi Group.

Bakit nga ba candies ang ipinamimigay sa ganitong tradisyon ng Chinese New Year parade?

Ayon kay Peter Ng, “By putting all the fortune candies in one place, symbolizes bringing luck together and wishing blessings for the coming year.” It’s important to note the word “candy” should be used loosely and can refer to anything from seeds to dried fruit.

Naging mapayapa naman ang takbo ng parada sa tulong at pakikipag koordinasyon ng Safety Security, Traffic and Crowd Control, Civic Action Groups (CDRRMO, BB-PICAG, 911 On Call at BASIC) na pinamunuan ni BCPO City Director P/Col  Francisco Bulwayan Jr.  #  Photos by:  Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman