AYUDA SA PAMILYANG NAKA HOME-QUARANTINE

Nakatanggap ng tulong/ayuda ang apat na pamilya sa Purok Sibal, Tuding, Itogon, Benguet mula sa tanggapan ni Benguet Congressman Eric Yap, at gamit ang Mobile Tulong Van na nagdala sa tahanan ng pamilyang kasalukuyang naka home-quarantine dahil  di umano’y isa sa miyembro ng kanilang pamilya ay nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito napag-alaman sa barangay at nakarating sa opisina ni Congressman na hindi sila makalabas at nahihirapan kung saan kukuha ng panustos sa pang araw-araw nilang pangangailangan habang hindi pa natatapos ang kanilang pagkaka home-quarantine at hinihintay pa nila ang resulta ng kanilang swab test..

Labis ang pasasalamat ng pamilya sa butihing congressman ng Benguet,  “nawa’y marami pang matulungan na mahihirap na mas higit na nangangailangan, “ tugon ng isang Ginang.  Photos by: CTTO Benguet Congressional DISTRICT Office / UNITED BENGUET TEAM